KAILAN O PANG ILANG BUWAN NATUTONG UMUPO ANG BABY NIYO MGA MOMMY?

Kaka 5 months pa lang po ng baby ko, pero pagdapa at gulong pa lang ang kaya ni baby, pero na su suportahan niya naman na nang matagal ang ulo niya. Okay lang po ba ito na hindi pa siya nakakaupo or nakaka gapang (tina try pa lang niya) mag isa niya? Thank you in advance po sa sasagot 💙🌺☺ #QuestionForFTM #asianparent_ph //Picture below for attention grabbing purposes only//

KAILAN O PANG ILANG BUWAN NATUTONG UMUPO ANG BABY NIYO MGA MOMMY?
12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan sakin noon nauna pag Tayo nya nga 5m ngayon 7m siya total natutong nakaupo, siguro mi hayaan mo lang or kapag may nakita mo may new siyang nagawa puruhin mo Kasi ako Ganon ginawa ko nung bigla ko siya nakitang umupo ng 6m mag Isa siya nag clap clap ako tuwang tuwa tapos ayun na susunod na ginagawa ngayon 7m siya nakakatayo siya mag Isa hanap hawakan tapos nakita ko nnmn siya tumayo mag Isa ng walang hawak ayun clap ng clap nnmn ako galing galing naman ng baby ko, Ayan tapos tuwang tuwa siya ngayon paulit ulit na nya ginagawa, sakin Ganyan lang ginawa ko encouragement pag may bago siya ginagawa pinapakita ko Masaya ako ulit ulitin na nya try mo Sayo mi baka effective din

Magbasa pa

yung baby ko po simula nung mag 10months dun lang sya natuto mag gapang mag upo maggabay okay lang po yan mamsh iba iba naman po ng development ang mga baby merong advance merong late mahirap naman pong pwersahin na gawin nila kaagad yung mga bagay na hndi pa nila kaya matututo at matututo po yan hehe

Magbasa pa

Baby ko nga po nagsisimula palang matuto dumapa ehh pero matibay na ulo nya kaya na nya pero may isa akong winoworry mga mi. sobra likot nya dumede di sya mapakali kinakagat kagat nya yung nipple dede-an nya. di ko malaman kung may singaw ba or nagiipin na kasi nangigil sya sa tsupon

Si lo ko, una ay gapang-gapang lang, then natutong kumapit para tumayo. Hinihintay ko na maupo sya mag-isa pero before I knew it, nakakahakbang na sya pero hindi ko pa rin nakikitang nauupo mag-isa 😅 kahit na 8 months na at the time. 3yo na sya ngayon.

baby ko 5 months marunong na umupo, kaya maaga din kami nag start ng solid foods. okay lang yan mommy, iba iba po kasi yung mga bata hindi niyo po kailangan magmadali

ang baby ko nga hnd pa kusang nakakaupo eh...khit 8 months na sia normal lng po ba un... pasensya po 1st time mom😊

Baby boy ko nauna tumayo kesa umupo. Pero never akong nag alala. May knya kanyang pacing ang bata.

Hi mommy, around 7-8 months si baby nang magsimula siyang umupo. 😊

TapFluencer

Okay lang po yun mommy, iba iba po ang mga babies natin. ☺️

VIP Member

umupo us 8 months