VITAMINS

Kailangan na po ba talagang painumin ng Vitamins ang baby kahit Pure Breast Feed siya? Or hintayin munang mag-6 months ang baby tsaka papa-inumin ng Vitamins? Hindi ko po kasi alam kung papainumin ko ng Vitamins ang 2 months and 23 days baby ko o hindi. Kasi sa Health Center pagka-6 months ng baby tsaka siya magba-Vitamins; Pero pag sa Pedia naman po eh, kahit ilang buwan palanh may mga nireresetang ng Vitamins. TANONG: Ano po dahilan bakit pag 6 months na dapat painumin ng Vitamins ang baby? At Ano po kagandahan kapag maaga nah-Vitamins ang baby? Please help mga mamsh. First time mom po kasi. Hindi ko po alam kung ano ang dapat at tama kong gawin. Sana magabayan niyo po ako. Maraming salamat po sa mga papansin.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa case po ni baby ko, first month ni baby binigyan sya kase maliit siya paglabas (2.2kgs) pero after a month at nakita na ok na timbang nya for his age, inalis na din ni pedia nya. since ebf naman daw si baby, no need na. kahit ung vit.c di na tinuloy at may history ako ng asthma, baka daw matrigger pa nun ung kay baby. 😊

Magbasa pa

Personally, mas maganda sis if pedia mo is breastfeeding advocate tlga. Mahirap makahanap nga lang. Ideally, 6 mos below no water, any supplement or solid food. Breastmilk lang tlga.. breastmilk lang sapat na para kay baby.

Best vitamins na makukuha po ni baby ay breast milk.. andun po lahat ng kelangan niya.. kung ako po nasa kalagayan niyo, papaBF ko na lang baby ko, wala nang gastos sobrang healthy pa si baby

TapFluencer

Breastfeed LO ko at BF advocate pedia niya. Pero nagreseta ng Vit. C dahil nauuso nga ngayon ang mga sakit, pampalakas lang immune system. Going 4 months pa lang si baby

VIP Member

Ebf dn 3 months old baby ko at di ako nagpapatake ng kahit na anong vitamins sa knya.healthy sya at di nagkasakit.. Thanks God..

VIP Member

As long as prescribed by pedia. Wag ka mag doubt its for your baby naman e. And they know what they are doing.

5y ago

Yung iba po kasing Pedia eh, pera pera nalang. Kahit wala namang plema sasabihin may plema tapos niresetahan ng gamot. Pero hindi ko pinainom. Alam ko kasing wala talagang plema baby ko. At napanatag ako nung pina-double check ko sa iba.