Raspa,suggestion.plss.respect.

Kailan Po kaya pwd magbuntis ulit? Nanganak Ako ng normal Nung jan.15.2023. sadly namatay c baby ko KC premature. 5months lang KC sya. Niraspa Ako. . Sabi ng doc.at mga nurse pwd na daw pag may 3months na KC d nman daw Ako na CS. Yung iba Naman KC Ang Sabi 6months or 1year. Minsan depressed n Ako. Gusto ko na ulit magbuntis ulit. Yung 4yrs Namin hinintay na magiging 1st baby Sana Namin. Kinuha KC agad. I'm 28 yrs old na this year. Gusting gusto ko na mag ka anak. Pero andito parin Yung takot ko. Dahil sa nangyari.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I would like to share lang sayo yung nangyari sakin 3yrs ago. I was 28yrs old that time, my husband and I had our baby agad... Normal lahat sakin. no hypertension, no diabetes except sa may bleeding lang nung buong 1st tri ko. but nawala rin naman. smooth sailing na ang pregnancy ko until 8months when I noticed na di active ang baby ko inside, even after ko kumain, uminom ng malamig o matamis. we rushed to the hospital agad agad.. and sadly upon ultrasound, katitigil lang daw ng heart ng anak ko. para akong pinagsakluban ng langit at lupa nun kasi sobrang hinihintay na namin sya makasama ng daddy nya.. nanganak ako after 4days , normal delivery yun (imagine mo yung almost full term na inilabas mo na 2kg, pwede nang iuwi kung tutuusin, pero wala na talaga) at nilinis din yung uterus ko after.. raspa. sobrang depressed ko nun walang oras na di ako umiiyak, miss na miss ko yung anak ko. pero natrauma kami ni husband.. yung OB ko kinausap kami, sabi nya 6months pwede na magbuntis, healthy na yun, kesa 3months (gusto ko kasi mabuntis na agad pagkawala na pagkawala ng lochia ko nun).. naisip ko agad agad gusto ko nang magkababy para mawala ang lungkot ko.. kaso narealize namin ng asawa ko, di pa kami handa. parang gusto lang namin kasi nalulungkot kami, gusto lang namin kasi para mapalitan agad yung nawala.. yes nagheal naman ang uterus ko agad agad, yung physical body ko okay na, pero yung pain at longingness, di pa rin nawawala, di pa kami nakakamove on. kaya nagdecide kami na kung magkakaanak kami gusto namin yung di na kami iiyak everytime na mababanggit ang salitang baby, everytime na may makikita o maririnig kaming baby.. di pa namin magawang magusap noon about sa mga babies. Advice ko sayo Sis, pagalingin mo muna yung heart mo. dapat emotionally okay ka na pag nagbuntis ka ulit. may plano ang Diyos. mas maeenjoy mo yung pregnancy mo pag totally healed ka na (yes may fear and anxiety pero dahil sa past experience na yun, mas naging strong at mas naging maingat), di lang physically okay talaga.. And for the goodnews, after 2yrs na nagcontrol kami ni husband, biniyayaan kami ng bagong angel, and this time, di na kami nalulungkot, nakakausap na namin yung urn ng 1st angel namin, nahaharap na namin yung mga taong nagtatanong nasan yung panganay namin, ano nangyari, tanggap na namin na talagang pinahiram lang sya ng 8months sa tyan ko at kinailangan agad ni Lord sa taas, at di na namin iniiwasan yung usapan about sa una naming angel, nakanood na rin ksmi ng mga baby videos. Malapit na rin ako manganak (4weeks na lang, praise God talaga) and true enough, sa di inaasahang time pa nabuo yung 2nd baby namin. yung edd ng unang angel namin, yun din ang edd ng baby namin ngayon. Im 31y/o now at masasabi kong handang handa na talaga pati puso ko, na salubungin yung 2nd baby namin. wala na sa isip namin yung thought na "gusto naming magbaby ulit para sa nawalang baby namin" Godbless you po dont rush your healing. always pray and believe lang. Time will come na ibibigay ng Panginoon yan.

Magbasa pa
2y ago

Thank you. . .

Yung sinabi po ng doctor na 3 months pwede na dun po kayo maniwala mi kasi professional na po mismo ang nagsabi sa inyo. Wag po kayo makinig dun sa iba