#TitoAlexQuotes

Kahit madalas nakakabaliw ang pagiging hyper at kulit ng ating mga anak, mas gugustuhin ko pa rin na magtatakbo siya at mag-parkour sa sofa namin kesa naman meron siyang sakit. Naalala ko dati, isang araw, bigla na lang naging matamlay ang aking baby boy. Ayaw niyang kumain. Walang gana. Buong araw lang na gusto niyang nakayakap sa'kin at sa mommy niya. Nakakapanibago. Yun pala, nagkaroon siya ng dengue. Sobrang nakakabaliw bilang magulang. Kaya para sa'kin, mas okay na ang sobrang kulit kesa may sakit. Mas masarap marinig ang malutong niya na pagtawa kesa marinig ko siyang sumusuka. Agree ba kayo, mommies? May similar na bang nangyari sa inyo?

#TitoAlexQuotes
37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Agree po ko dito. kakasabi ko lang yan sa mister ko kung ano gusto nya may sakit anak nya o makulit anak nya. Yung baby namin 9 months na today. Pakulit ng pakulit na sya at nagiging hyper lalo na sa gabi madalas na 12 or 1 am na natutulog not because sa youtube napupuyat sya kakalaro nya kakagulong sa kama at kakadagan samian ng Papa nya. kesa naman sa may sakit .

Magbasa pa