kahapon ng tanghali, after ko mag pacheck up sa OB ko at after ko bilhin yung mga nireseta niya sa akin, uminom ako agad. una kong ininom na gamot nung lunch ay yung ferrous sulfate yung iron B flex then nung dinner na, uminom ako nung obimin plus. okay naman that time. then may uti kasi ako so niresetahan ako ng antibiotic pero kinabukasan ko na ininom yon. so eto na nga, kinabukasan na which is kaninang umaga. After ko mag breakfast ininom ko yung antibiotic ko. yun palang yung iniinom ko at wala pa yung mga vitamins dahil ayaw ko sabay sabayin. tapos natulog ako around 10am nagising ako ng 12pm. so lunch na non. nagising ako na parang nasusuka so agad ako pumunta sa lababo tapos suka ng suka. nung una tubig yung sinuka ko tapos after ko ng pangalawang suka, kumain ako ng apple tapos next kong suka puro bula na. halos 6 times na akong sumuka at feeling ko susuka pa ako ngayong araw. di pa ako nag lulunch kasi di tinatanggap ng tiyan ko even water. di ko po alam kung anong gamot yung reason ng pag susuka ko. iba na rin po yung color ng suka ko eh at pinapawisan ako ng malamig. normal pa po ba yung ganito? nanghihina na po kasi ako at ang sakit ng tiyan ko. naaawa ako sa baby ko kasi baka maapektuhan hays. help naman po mamsh. TIA po mga mommy #1stimemom #pregnancy #pleasehelp #advicepls #firstbaby