Panay ubo sa gabi pero sa umaga hindi naubo sa umaga...
Hello ka-mommies. My same case po ba dito na panay ubo2 si baby sa gabi pero sa umaga okay naman walang syang ubo. Nag pa consult na din kami sa pedia nya wala naman daw naririnig na something sa likod at dibdib nya. Ano po ginagamot nyo?
Ilan bwan na si baby? hindi po ba yan after dede saka naubo?? wala po binigay na any medication? nag aaircon po ba sa Gabi? or may naninigarilyo po ba sa bahay?? pwede naman pa 2nd opinion sa ibang Pedia or pa Chest Xray Sana ng Pedia niya para makasiguro... kung clear lungs naman but with dry cough pwede din kasi may allergy si baby... para makampante ka paConsult mo po ulit.. Wag po mag Self Medicate sa baby... mas mainam pa kung maglagay ka sa bedroom niyo ng Air Humidifier kaysa magpainom ng kung Anu Anu sa baby
Magbasa pasi Lo ganyan nun naubo sa gabi pinacheck up ko may binigay na gamot..dahil sa weather ...di din kasi mapirmi sa loob ng room gusto sa labas ..kaya naiinitan at nalalamigan .. nireseta ng cefalexin at disudrin ..mag 2mos palang sa 18...
dahon ng oregano mii steam mo sya then pigain mo ipainom mo katas ng oregano mabisa yon