37 weeks 4 days ❀️ My baby is out πŸ‘ΆπŸ»

K a h l e l 🀍 πŸ‘ΆπŸ» May 25, 2021 | 2,900 g | via NSD 37 weeks 4 days ~ Nag pa-check up lang tayo nung tanghali, biglang kinagabihan 4 cm at inadmit na ko. Haha almost 15 hrs of labor, 7 cm – sobra na sakit at iyak ni mommy kasi ndi na tumitigil ung contractions pero ayaw pa pumutok ng panubigan. Hanggang sa pumutok bgla at dinala na ko sa delivery room pero bago makahiga sa bed, nasuka pa ko. Dahil daw sa sobrang pain. Di ko kinaya. At eto na nga! Ang hirap pala umire mamsh!! Why naman ganon. Hahahah parang abot utak ko na ung pag ire ko, ayaw pa din. Sobrang nakakapagod. Dagdag mo pa ung habang umiire, nakaka idlip ako. Dahil sa sobrang groggy sa ininject sakin na pain reliever. So ang nangyayare bumabalik si baby imbis na lumalabas na ung ulo huehue Akala ko ndi ko na kakayanin. Dahil sa tagal ko ng umiire mag 2hrs na ko sa DR, naririnig ko na magiging option na na-i-CS ako kasi ndi ko talaga kaya. Masyado daw malaki si baby para sakin. Pero bigla ako napa-ire ng bongga hahah hanggang sa lumabas ka na. Naalala ko siguro na ung pang CS ko bili nalang natin aircon, ref at washing. πŸ˜‚ Huling narinig ko nalang iyak mo at ung side comments ng mga nurses at OB na ang pogi mo daw. 😊 tas nakatulog at napunta na ko sa ibang demensyon. Potek hahahaha I love you so much, baby ko! Pogi pogi mooo πŸ₯Ίβ€οΈ Thank God nakaraos na 😍 ung sakit ng pempem nalang Hahahahahah 😩😩 Have a safe delivery din sa inyo mga mamshies! ❀️

37 weeks 4 days ❀️ My baby is out πŸ‘ΆπŸ»
27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ano po naramdaman nyo nung mag papacheck up po kayo? may idea na po ba kayo na malapit na kayo manganak nun hheheheπŸ˜… 37weeks na po kasi ko bukas😊 btw, Congrats po❀️ cute ni babyπŸ€—

VIP Member

Malapit na din ako mag 37weeks kabado na excited ang nararamdaman ko sana makaraos narin kami ng baby ko. Congratulations mommy well done at buti di po kayo na CS πŸ‘πŸ‘

Momsh. pwede magtanong? 30 weeks and 5 days na po ako ngayon. nasakit na po ang puson at balakang ko. Normal po ba it0? πŸ™πŸ™

3y ago

thankyou.. Have a safe delivery soonest Mamsh.. πŸ™πŸ™

VIP Member

Congrats mommy! Totoo matipid talaga pag normal delivery yan din naiisip ko sa bunso ko datiπŸ˜† pogi pogi naman ng baby na yan

TapFluencer

wow congrats sis pogi nga baby mo ,hope makaraos dn aku breech pa naman baby ko but 5 months pa naman πŸ™πŸ™πŸ™πŸ˜‡

4y ago

wow sana umikot dn baby ko after ilang months ayaw kung ma cs saka walang budget talaga ,haisst tiwala na lng talaga sa aku sa maykapal sis😊

VIP Member

Congrats mami tangos ng ilong ni baby hehe, welcome to the world baby 😊

VIP Member

Welcome to motherhood and God bless you, little one. πŸ€—πŸ€πŸ€Ž

congrats po Godbless 😊 excited na din po ako sa baby boy ko πŸ₯°

Pogiii. Congrats po!! 😍❀️ Lapit na rin ako, nakakakaba hehe.

Congrats mommy! Lapit na rin ako mag 37 weeks sana makaya πŸ™πŸΌ