34weeks of pregnant & 2days! Share your experience nmn po ano2 na po nrrmdman po ninyo?
January 27 po ang due ko. Kayo po? Nahirapan na ko huminga. Nakakahingal & sometimes mabigat na sa puson. Share nyo po Un sainyo? & Sobrang likot na po ni bby hirap na din po sa position pantulog.
35 weeks and 3 days. Jan 19 EDD ko. Mabilis akong hingalin lalo na pag naglalakad kaya hindi din ako naglala labas at nag gagalaw galaw kasi last time nakaramdam ako ng sobrang sakit na balakang, hita tsaka parang gusto nang lumabas ni baby kaya i decided na magbedrest at kaunti lang ang galaw kada araw. Pakiramdam ko minsan sumisiksik sya sa may bandang puson to the point na parang naiihi ako buti nga hindi sya magalaw sa gabi kaya maayos pa naman akong nakakatulog. HOPING FOR SAFE NORMAL DELIVERY TO ALL PREGGY OUT THERE, KAYA NATIN TO!! huhu medyo kabado na kasi ako
Magbasa paSame here. Kaya nga ngayon gising pa ako Ilang beses na ako nagbanyo ngayong gabie. Sobramg likot na din nya tlga. Lalo mga between 12am t0 3am. Hndi na tlga ako nakakatulog minsan, bawi nalg tlga ng tulog sa umaga. Tapos mapapa aray ka na dn sa sobrang pagsiksik nya sa puson mo pati mga sipa nya sa buto mo sa loob. Madalas na dn amg braxton na nafifeel ko. Minsana masakit narn sa likod kasi bumibigat nga sya at isa sa pinaka hirap ako ngayon is yung hndi na ako masyado maayos makahinga at hingal na din gumalaw. Kahit tatayo hinihingal na ko, lalo naman pag hihiga para akong malulunod.
Magbasa panakoo..po d lang palaa aq. ung ganito Sobrang active ni baby na parang Mabubutas na tiyan q at magigising ka sa gabi dahil sa Bigla bigla nitong lakas ng Galaw ..ung tipong di mo alam If Hihiga kapa sa kakulitan nya. Tapus pag Nagalaw Nasisiksik sya sa puson at Napapaihe ka na kapag iihe ka minsan parang Lalabas na rin. tas mabigat puso Minsan mahapdi or minsan parang naghahanap n sya nah lalabasan sa kakulitan nya😂 tas pag nakaupo ka namn Pakiramdam mo naiipit sya pagtayo ka nmn at nagalaw sobra Ung mahhaawakan mo nlng pempem mo baka mahulog😂
Magbasa paJanuary 29 naman po due ko. naga start na rin ako mag lakad lakad mii then hirap na din huminga like kla mo sinasakal ka hahaha lalo na pag hihiga tas pahirapan pa sa position, then ramdam na ramdam ko na talaga sipa ni baby ung iniinat nya tlga paa nya kaya ung tummy ko panay din yung bundok² hahaha sarap nga sa pakiramdam kpag malikot si baby kasi panatag ka at alam mong buhay sha, ung iba kasi nagugulat nlang pagkalabas ng baby nila tas ididiklara ng doctor na (STILL BIRTH) means patay na si baby since nung nasa loob pa
Magbasa paJan 24 EDD ko. Last week sa check up niresetahan na rin ako ni Doc ng duvadilan kase sabi ko madalas manigas ung tyan ko, pero inumin ko lng daw kapag may kasamang cramps. Sabi ng nakakakita saken, ang baba na daw ng tyan ko, pero in-IE ako ni doc, closed cervix and mataas pa daw si baby. Pero pinapagamit nya ako ng maternity belt kase minsan parang nasa may pubic bone at singit ko si baby. Mabigat ang pkiramdam ko sa puson. Malikot naman sya. Bawas lakad din muna ako hanggang nd pa kami nakakaabot ng 36 weeks
Magbasa paNaku! Ako din mommy. 34weeks na din ako. Sobrang likot ni baby, especially aa gabi. Kaya puyat talaga ako. Bukod sa hirap matulog, sobrang init pa ng katawan ko, kahit naka aircon na pinagpapawisan pa din ako. Puro left side lang din ako kapag nakahiga kasi maa malikot sya sa right side. Sumasakit din bandang singit ko kapag tatayo galing nakahiga.. Last ultrasound ko, nasa baba na ulo ni baby and nagreready na. Akala nga ng OB malapit na sa cervix ko kasi mababa na tyan ko. 😅
Magbasa paako rin,nasa 37w&4d na narin ako. Jan.4 edd.. mejo kakunti nalang ung galawan ni bb. taz palagi na syang nag-iistretch. to the point na nafefeel ko sa uterus ko ung press nya.hehe hirap na ako makalakad ng mabilis. hinay² nalang kasi mabigat na masyado tummy ko. sabi dto anytime pede na sya lumabas. kaya nakakaba. wala pa naman masyado ehersisyo.pero sobrang taas ng hagdanan namin sa bhaus. 2nd bb narin c bb ko ngaun. Hoping & praying for safe delivery natin mga momsh.
Magbasa paJanuary 26 EDD, same po tayo. Hirap na ako makatulog madalas madaling araw. Hirap nadn mag side position kasi feeling ko naiipit na sya sa ribs. Hirap dn mglakad gawa sa pubic bone pain. Pero di pa naman nasakit balakang ko or likod. Wala pa din paninigas ng tyan. Sabi nila mababa na din daw tyan ko, ewan baka dahil everyday dn ako nagzzumba. Likot likot na nga din nya. Ang galaw kahit sa umaga. 🙂 sana makaraos na tyo next year.
Magbasa pamas hirap ako sa 3rd tri compare sa 1st tri ko. 😩 konti minsan tulog ko kasi ang dami sakit sa katawan at di ako makatulog ng maayos kasi ang likot din nya. plus may UTI pa ako, taking antibiotic aside sa mga supplements, nakakasuka sa dami iniinom. gusti ko maglakad2 ng matagal for preparation pero ang sakit ng balakang ko. konting tiis nalang , kakayanin
Magbasa pasame din Po January 27. grabe nga pong likot dko malamn kung anung position gagawin.hirap umupo ganun din pag nakatayo bilis mo Rin mangalay at madalas na na DNA nakatulog sa gbi.mabigat na Rin sa. katawan halos dna Ako makatayong bumangon.minsan pagapang na Ako KC hirap tumayo.
Got a bun in the oven