Share ko lang experience ko

January 11 due date ko non. Pero wala ako nararamdaman na pain. Meron man kaso hindi talaga sign of labor. Sabi ni Doc iwait ko daw muna ng another 2weeks pa dahil hindi naman daw ako overdue or kung gusto ko daw talagang lumabas mag pa admit nako pero mas mahirap daw yon dahil sarado padin cervix ko masyadong mataas pa. kaya inantay ko nalang talaga mag labor ako. January 15 balik ko sa check up pina bps ultrasound ako Onti nalang pala Tubig ng baby. kaya nag decide talaga ang doctor na I admit ako dahil delikado daw iyon. pinapuli kami kung enduce of labor ako pipilitin manganak or diretso Cs na. syempre mas gusto ko ma normal kaya nag pa admit nako. 7pm inadmit ako minonitor si baby nung tinry ako i enduce bumagbagsak heartbeat niya hindi kinakaya,kaya itinigil. minomonitor kami kaya inantay nalang ako mag labor sobrang daming ie sakin sobrang hirap yung time nayun. 2cm palang hanggang nung umaga nag 3cm. hanggang sa nag gabi na 3cm padin. sabi doc ko 7pm nalang daw i cs nako no choice kasi nauubos na yung water pwedeng hindi kayanin ng baby. sobra kong kinakabahan non, sobrang dasal ko talaga yung mga time nayun. walang pagbabago 3cm padin masyado daw masikip sipitsipitan at malaki daw ang bata hindi talaga kakayanin na normal. kaya na cs ako ng 8pm. totoo pala mga momsh pag hindi nag lalakad lakad at lagi nakahiga. sobrang tamad ko nung buntis ako. sinasabi ko kaya ko inormal. kailangan tulungan din pala yung sarili. pero healthy po baby ko. well baby naman po siya. ❤️ thankyou sainyo dami ko din natutunan sa apps nato hehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles