Payo ng matatanda at pakikisama sa inlaws

Isa sa natutunan ko sa buhay ay, hindi lahat ng matatanda ay laging tama 😅 FTM here. I admit, nangangapa talaga ako sa pag aalaga kay baby. Nakatira kami ngayon sa in-laws ko while saving money for our own house. First apo nila si baby sa only son nila. Sila nagbibigay ng tips sa akin how to take care pf my daughter. Pero minsan, hindi ko alam pero parang feeling ko, nadidiktahan na ako. "Gawin mo", "Ganto dapat", "Dapat ganto", "bili kayo nito for baby". And so on.. nung una, ang hirap tumanggi kasi, 1st time mom lang ako at sila, nadaanan na nila to. Tapos, nakikisama lang din ako sa bahay.. I've started joining groups sa fb and power of google. At may ilan dun na nababasa ako na salungat sa payo nila. At Bad na pala kay baby 😭. Number 1 dun ang bigkis. Bawal pala bigkisan si baby. Minsan din, sinabihan ako na since 6 months na si baby, try ko daw painumin si baby ng juices (kasi ganun daw ginagawa nya dati). Buko juice, at juice na may honey. I searched for it.. at bawal pa pala honey sa baby! Simula nun, pag may sinasabi sila sa akin, i ask our baby pedia first or search online like this app to verify. Isa sa payo nya dati na nanghihinayang ako eh yung pusod ni baby 😩. Sana, ako na nagtago. Pinalagay kasi nila sa bintana ng kusina.. ayun, nilanggam. Wala na. Isa pa yung mga pinabibili nila sa akin na hindi naman nagamit ni baby. Pacifiers, diaper clips, and etcs.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I am a first time dad of twins, nakitira kami sa in laws ko nung nanganak si wife hanggang 10 months nila, hindi ko hinayaan na masunod ang mil ko or pg meron sya advise tinatanung ko kung bakit at para saan, kung pinupuna nya ako about kung pano ko alagaan or buhatin ung twins kinokontra ko or tinatanung ko kung anu at bakit mali ung ginagawa ko at kung paano mgkakasakit ang bata kung aganun ang pgaalaga ko, di naman nila maexplain kasi nga mga maling paniniwala pa ng mga sinaunang matatanda un na minana nila. Pg saglit pa lng umiiyak nun ang baby kinukuha na nila agad tapos paparinggan ka na kanina pa umiiyak at kakausapin nila ung baby na: "hindi ka kasi nila alam patahanin umiyak". Kaya ginawa ko na nun basta umiyak ang baby na karga karga ko at gusto nila kunin sasabihan ko mil ko na ako muna. Napaiyak din minsan si wifey kasi bat ko daw sinasagot ng ganun mil ko, dineretso ko nlng sya ng sagot na ayaw ko sila makialam. Tapos nung kelangan na mgreport ang mga teacher pinilit ko na mgpagawa ng bahay para mkabukod na din kami, kasi mejo malayo ung place ng in laws ko sa workplace namin. Kumuha na din kami ng yaya. Sabi ng mil ko masakit daw loob nya na hindi sya ung magaalaga sa twins. Sabi pa nya na iwan nlng namin skanila babies namin at papasyalan nlng namin pg weekend na wla na kami work. Sa isip isip ko naman hindi ako gumawa ng anak para maging laruan lng ng iba, ang anak ko ay anak ko. Ayaw ko din ung way ng pagaalaga nila na minana pa nila sa mga sinaunang matatanda. Ayaw ko din na lumaking nasspoiled mga anak ko. Karamihan kasi na lumaki sa lolo/lola spoiled at matitigas ang ulo.

Magbasa pa

Hello FTM din ako at almost same tayo nang napagdaanan. Tama ka. Iba kasi sa panahon nila at iba sa panahon natin. Yung mga studies at pamamaraan ngayon wala nuong time nila. At yung mga nanay ngayon marami nang napagkukunan ng info sa ibat-ibang sources unlik sakanila kung ano lang turo sakanila nang matatanda yun lang din ang ginagawa niya, tapos mag expect din sila na susundin lang din natin sila at ganon din gagawin natin. Kaya simula nang mabuntis at magkababy kami, gumulo na rin relationship namin ng MIL ko. Madami siyang "advice" at puna. Kaya yung husband ko na anak niya na yung nainis sa way niya nang pag-a"advice". The way kasi siya mag puna samin na parents ng apo niya ay parang, nanunuway ng batang walang alam. Kaya nagkaroon na ako ng anxiety. Sa tuwing papasok siya nang kwarto natataranta ako at kinakabahan baka mamaya ano na naman mapuna niya 😩

Magbasa pa