Usapang Kalusugan Para Kay Lolo at Lola
Isa na namang napakagandang topic ang na-discuss nitong nakaraang Martes sa live webinar ng The Asian Parent PH Facebook page. Usapang Kalusugan Para Kay Lolo at Lola lalo na sa panahon ngayon na di sila nakakalabas para makapag pacheck up. Buti na lang talaga na nauuso na ngayon ang online consultation kaya laking tulong na din ito kahit papaano para sa ating mga Lolo at Lola. Pinag-usapan din ang sanhi at risk factors na maaring maidulot ng hypertension. Ugaliing magkaroon ng healthy lifestyle at kumain ng wasto. Sabi nga ni Doc Frederick Cheng, mainam na makuha natin sa ating kinakain ang natural sources ng vitamins and minerals. Kaya mahalaga na tayo ay magkaroon ng balance diet. Umiwas sa stress at matulog ng wasto. Para sa ating mga Lolo at Lola, mainam na ang 6-7 hours na tulog. Kung hypertensive, mahalgang uminom ng gamot regularly at sundin ang payo ng inyong doctor. Mahalaga din ang Flu Vaccine yearly at Pneumonia Vaccine para sa ating mga Lolo at Lola. Ipaunawa sa kanila na ang pag-take ng gamot regularly ay makakatulong para sa kanila at para humaba pa ang buhay nila. Na-miss niyo ba ang episode na ito? Panuorin ang replay sa the Asian Parent Facebook page. Here’s the link https://www.facebook.com/2192796717697569/posts/2538788359765068/ #FamHealthy #SanofiActs #TheAsianParentPhLive
Twin Mom