ask lang po plsss help me.

Im pregnant and its my first time. Pa advice naman po. Kung panu ku sasabihin sa mga magulang ko. Natatakot po ako magsabi baka pagalitan or anu man masabi nila sakin ang laki ng expectation nila sakin madidisappoint sila neto panu ko kaya masasabi sakanila in a nice way.

57 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Isama mo yung daddy ni baby

Husband ko ang nagsabi sa mama ko, at first syempre sermon pero at the end tatanggapin nila yan blessings yan e.

Same thing happened to me hindinko alam pano sasabihin. Tama sila sama mo si partner kausapin nyo parents nyo at i ready nyo na mga sarili nyo pag tinanong kayo sa plano nyo

Sama mo yung partner mo momsh. Tapos ngayon palang isipin niyo ma plano nyo para mapakita nyo sa parents nyo na kahit papano responsable kayo. Sa una lang naman yang galit na yan. 😊

Ganyan na ganyan ako pero mama ko naunawaan ako kaya ang swerte ko sa magulang ko hindi nila ako jinudge. Masakit saknila pero nandyan na ang angel pag lumabas sguro baby natin sasaya na ulit tau.

VIP Member

Same situation, 5 mos na ang tummy ko nung nasabi ko. Sobrang hirap sa side ko. Both my parents are strict pa naman, sobrang nagalit sila sakin lalo na yung papa ko. Pero w/ the help of sincere talks w/ them together w/ the family of my boyfriend, onti-onting naging ayos lahat. Finally fully accepted na ng parents ko but of course I know I disappoint them, but I assure them magtatapos pa rin ako ng studies ko afterall. Then pinayagan nila ako magstay muna sa side ng bf ko since nasa abroad ang mama ko. I love my parents so much ❤️ Advice ko for u: Nakakatakot talaga sa una, pero parents mo sila kahit gano pa kahigpit yan, dahil anak ka nila, maiintindihan ka nila. Then i-assure mo sila na always ka pa rin nandyan for them kahit ganyan ang nangyari.

Magbasa pa
VIP Member

Hello. I understand you. 4th yr college nako at graduating na. Pero nabuntis ako ng bf ko.. Takot na takot pa ko nun kasi di pa talaga ako ready at mataas din expectation nila saken.. Panganay ako at ako lang din inaasahan. Very proud sila saken. Hanggang sa di inaaasahan na buntis pala ako. Unexpected kasi withdrawal kami at naka base sa calendar method. Walang ginagamit na kahit anong contraceptives. Ilang buwan akong stress sa sobrang takot ko sa magulang ko lalo na sa papa ko. Dahil sobrang strikto nya talaga. Feeling ko pag umamin ako bubugbugin nya ko, papalayasin, sasampalin, susuntukin, isusumpa lahat na. 5 months na tiyan ko nung aamin na dapat kami pero di pa rin masyadong halata. Dala na rin siguro ng paglilihim o pagtatago sa kanila. Mali lahat ng nasa isip ko. Alam ko masama loob saken ng papa ko pero di nya pinakita yung galit nya saken. Nanatili syang kalmado at tinanggap ang magiging apo nya :) Hindi nya ko sinaktan katulad ng pag iisip ko :) Ang importante gagraduate pa din ako this June 2020 :) LAKASAN MO LANG LOOB MO SIS. YUN LANG AT MAGDASAL KALANG PALAGI :) TATANGGAPIN KA PARIN NG MAGULANG MO KAHIT NA BUNTIS KA :) ANG IMPORTANTE KAHIT BUNTIS KA, BIGYAN MO PA RIN SILA NG ASSURANCE NA ITUTULOY MO PA RIN YUNG PANGARAP MO AT BABAWI KA SA KANILA :) Ang sarap sa feeling pag nakaamin kana :) Pati baby matutuwa promise. Hindi na rin sya mahihirapan magtago sa tiyan mo 😅 At hindi na din sya ma-sstress :)

Magbasa pa
5y ago

Thank you sis. Ok lang kay mama pero kay papa talaga ako natatakot ganyan iniisip ko sis baka saktan nya ako at kung anu man. Di ko alam kung panu ko sisimulan naiisttresss na din ako. Parehas tayo na withdrawal tas wala kaming ginagamit na pang protect then 2 months kaming walang sex nadatnan na ako nabigla ako at di mi namin inexpect sabi nga namin ngaun walang sex mas magkakaron ka sabi nya tas un tinanggap na lang namin at alam ko blessing ito. At kinakatakot ko talaga magsabi sa mga magulang ko nasabi ko pa nga kay papa 28 ako magaasawa eh ngaun 20 palng ako buntis na. Fresh grad na naman ako at may trabaho tas ung jowa ko fresh grad din sya at katatapos lang exam nya. Sana masabi ko na para hindi na nagtatago si baby. Thank you sis ah sa nashare mo sakin. 😌🙏💗