Deciding

I'm getting tired of my husband. For now he is our financial provider since I just gave birth a month ago. The problem is he is always lying even for a simple thing and I dont know why. Hindi naman rin ako yung babaeng sobrang babaw na magagalit agad kapag may ginawa sya. Last time na nagsinungaling sya dahil lang sa damit na ginamit nya sa pagbebest man nya. Tinanong ko kung saan galing sabi nya hiniram sa barkada then I found a receipt from a rental store worth 1k (500 deposits) tapos sinabihan ko sya na bakit pa sya kailangan magsinungaling di na lang nya sabihin yung totoo. Second yung Skin sa isang hero sa mobile legends, may binili sya noon which is worth 500 hinayaan ko sya parang pakunswelo kung baga pero after non binabawalan ko na syang bumili dahil mahal mga skin sa larong yon sayang ang pera then nakita ko may bagong skin na naman sya. He's keep on insisting na hindi sya nangungupit sa mga perang binibigay nya lagi nyang pinagmamalaki sa akin na buong sahod nya binibigay nya sa akin (Ako naman nagbibigay kapag hihingi sya basta bayad na lahat ng bills). Alam mo yun simpleng bagay bat kailangan pa nyang magsinungaling. Issue ko na dati sa kanya yan na lagi naming pinag aawayan, kapag may gusto sya hindi nya icoconsult sa akin go go na lang sya basta tapos kapag gipitan na doon nya sasabihin sa akin. Last year may cp sya nabasag ang screen dahil tinanggal nya yung case tapos kinukuliy nya akong ikuha sya sa home credit ng bago ( yung cp nya na nabasag halos 1 year pa lang at gumagana pa kahit basag) ako naman ayoko dahil marami pa kaming bayarin noon. Sabi ko tapusin muna namin mga hinuhulugan tapos ikukuha ko sya. Ngayon hindi nakapaghintay nagpakuha sa kaibigan nya which is sabi nya sa akin pinapahulugan daw ng kaibigan nya yun sa kanya kase binigay lang ng company nila at binenta sa kanya sa mababang presyo. (Hindi ko po sya kinuhana agad ng cp noon dahil ang dami pa po namin binabayaran na sya rin ang kumuha, pinagsabay sabay nya yung ref, aircon, washing machine, speaker habang may dalawa pa kaming motor na hinihulugan. Sinabihan ko sya na wag pagsabay sabayin baka di kayahin pero kaya daw kaya hinayaan ko) pero umabot kami sa point na kinakapos dahil sa dami ng bayarin sabi ko 3 months kukuhanan ko sya pero hindi sya nakapaghintay kahit okay pa naman yung cp nya may konting basag lang sa screen. Yung konting pagtitiis sana dahil halos 20k binabayaran namin per month non hindi nako makahinga sa mga kinuha nya pero yung gusto pa rin nya yung sinunod nya. Oh dba ang galing? Tapos kotse, sabi nya byanan ko raw maghuhulog, kumuha silang kotse ng mama nya, ang sabi ko kesa kotse bat di na lang tayo tulungan ipatapos bahay namin dahil may sari sarili naman kaminh motor hindi pa kailangan ang kotse pero kinuha pa rin nila. Tapos malaman laman ko halos kalahati lang pala binabayad ng byanan ko at sa boundary ng mga motor namin kinukuha yung kalahating panghulog. Cinonfront ko sya noon pero pinalampas ko na lang kase anjan na at para wala ng usapan. Hayy napapagod nako sa mga kasinungalingan nya. Tapos kapag nag aaway kami minumura nya ako which is ayoko ng minumura dahil may pinag aralan naman ako. Hindi ako laki sa pamilyang palamura kaya ayoko ng mura pero minumura nya ako kapag nagagalit sya kapag cinoconfront ko sya. Parang nanliliit ako sa sarili ko kapag minumura ako. Ayoko non. Nagpapasorry sya pero gagawin nya ulit. Parang gusto ko ng humiwalay. Hindi pa rin sya nagbabago. Ang nagbago lang sa kanya e binibigay na nya sa akin mga kita nya. Naghiwalay na kami noon ganitong ganito rin stay at home mom ako noon ngayon naman nakamaternity leave lang. feeling ko porke nagbibigay sya ng pera ginagawa na nya gusto nya. Madalang nya lang rin akong tulungan sa gawaing bahay kung hindi lang ako magpapatulong. Isipin nyo after ko manganak CS ako nakakapagwalis walis nako, wala pang isang buwan nakakapaglinis nako ng bahay, wala syang kusang gawin yon dahil nakikita nyang ginagawa ko. Parang give up nako. Pinagbigyan ko na sya last year na magsasama kami ulit kung magbabago sya pero ganito na naman. I know am financially capable even without him. He is getting worst. Hindi na sya yung taong nakilala ko. He can be a father to our children but most of the time he spend more time playing on his phone. I dont find him as a husband anymoe because if the things he's doing. He don't respect me anymore. Edit: Hindi rin ako mahigpit sa pera sa kanya. Kapag magreremit sya kukuha sya ng 200 per day para pang gastos nya. Binibigyan ko rin sya kapag humihingi sya. Nagiging mahigpit lang kapag inuuna ko mga bills. Hindi rin ako bumibili ng mga bagay na gusto ko kase nilalaan ko yung mga binibigay nya sa mga gastusin namin, needs kung baga. Hindi nga ako gumasgastos ng pangsarili ko galing sa mga binibigay nya dahil sanay akong gastusin ang perang pinagpaguran ko (may work naman kase ako, nakamaternity leave lang ngayon). Kahit sumasakto kami or kinakapos wala syang naririnig sa akin, kahit 100, 200 minsan naiuuwi nya hindi ako nagrereklamo, lagi ko pang sinasabi na malay nya bukas kumita sya. Pero sana sabihin nya yung mga dagdag expenses nya. Na minsan magugulat na lang rin ako na may naniningil na kaibigan nya dahil nangutang sya ng hindi ko alam, na hindi rin sa amin napaglaanan yung hiniram nya. May 4k, 3k, 2k pero ang narinig nya lang sa akin is tanong kung saan nya ginamit at sinabi ko na wag sya mang uutang ng hindi ko alam para di ako nabibigla. Hindi ko alam kung mali ba na unahin ang wants kesa sa needs? Mali ba na humingi ng palugit para mabigay ang gusto nya? Na alam naman rin nya na nagigipit kami ?

35 Replies

Ang hirap ng sitwasyon mo, lalo na bagong panganak ka pa. Pero hanga din ako dahil inilabas mo ito, kumbaga inaacknowledge mo na may problema. Sana maayos nyo pa sa paguusap, pero bandang huli piliin mong pahalagahan ang sarili mo para mas makapagbigay ka ng buong pagmamahal sa anak mo.

Oo nga momsh e, alam mo yung ginagawa mo na lahat para maging okay pero parang ayaw nya ng maayos? Actually second try na namin to sa relationship namin, naghiwalay na kami noon sobrang grabe nya noon, pinagbago lang e nagbibigay na sya sa akin ngayon at nakabukod na kami. Pero parang pareho pa rin ang treatment. Ever since ayoko ng minumura dahil nakakadegrade at for me kapag minura mo yung tao parang wala kanang respeto sa kanya. Ang dami ko ng pinalampas para lang maayos kami. Madalas hindi na lang ako umiimik para walang usapan pero hindi pala nya alam ayusin ang sarili nya kung hindi mo pupunahin pero kapag pinunan mo nagagalit 😞 feeling ko porke nagbibigay sya ng pera e yun na yun. Parang yun na lang obligasyon nya. Ako naman dahil hindi ako nagwowork ngayong kakapanganak ko e ginagawa ko lahat para wala syang masabi. Kahiy bagong Cs lang ako nakakauwi sya ng malinis ang bahay namin, na malinis mga anak nya pero sya ni banyo namin hindi nya lilinisin kung hindi ko sasabihin mas

I feel u gurl. Now I'm having this problem on how to pay our dues and loans left and right. At yung monthly amort ng bahay namin 5 months past due na. Palagi na nga aq tinatawagan ng pag-ibig about our dues.. dont know what to do. Just gave birth lang at stay at home mom aq.

Kya po nagccnungaling c hubby mo kc po mgkakontra kayo lge sa gsto nya. Kapag cnbi nya na ikuha mo sya ng cp d ka po pumayag. My cnbi na po ba sya sayo na nag ok ka? Para po kcng kontra lge kayo sa knya. Mababaw na dahilan lng nman po un ksa nman babae pa ang pgtalunan nyo

Hindi man ako kumokontra lagi momsh. Ang hinihingi ko lang is inahin muna yung importante. Yung kotse momsh hindi simple yun ah, 5 years huhulugan 17k per month. Si hubby ko kase momsh kapag gusto nya gusto nya. Isipin mo momsh may Raider na syang motor ako may Mio ako, hinuhulugan pa yung motor tapos kumuha pa sila ng kotse at sasabihin byanan ko raw magbabayad ngayon pala kami rin. Maliban sa motor may kinuha rin silang isa pang motor sabi ko hinayhinay sa pagkuha ng hulugan qag sabay sabay hintayin muna matapos yung iba bago kumuha ng bago para hindi mahirapan, hala kahit okay pa yung motor na pinangbubusiness namin e sa byanan ko nagpakuha ng motor at 8k sya per month. Mamatay matay nako sa kakaisip sa mga bayarin namin momsh. Hindi nya maintindihan yun. At hindi ko rin maintindihan momsh kung bakit go lang rin ng go yung byanan ko at hindi muna nya sabihin sa anak nya na ipaalam sa akin, nag aagree lang lagi at nagsisinungaling rin mapagtakpan lang anak nya. Momsh yung kotse at y

VIP Member

ako ayoko dn ng minumura.. yan ang pnakaayoko.. lalo hnd mo naman sya minumura. may mga lalaki kasi na pkiramdam nla npakaentitled nla.. porket sila mas malaki gngastos at pnpasok na pera sa bahay.. kaya ako ayoko ng wala ako trabaho dhl ayoko un pkirmdam n minamaliit.

Totoo yan momsh

Wise ka naman Sis. Alam na alam mo yung gagawin mo at yung needs mo. Decide ka if saan ka mas makakahinga. If confronting him again and again at walang nangyayari. You know what to do ☺ You are so strong sis. God bless

I feel you sis .ganyan ang mister ko nag tatago kapag nag lalabas o nagbibigay ng pera kung kanikanino. nakakawalang gana. sana unahin muna nila sariling Pamilya. hindi sariling kasiyahan

VIP Member

Base sa nabasa ko maluho po si mister. Go lang ng go. At yun constant communication po ang kulang sa inyo. Dapat ayun mapagusapan nyo. Ayun lang nakikita Kong problema.

Totoo momsh maluho sya. Yung communication rin problema namin dahil mas gusto nyang maglaro sa cp nya kesa magspend ng time sa aming ng mga anak nya. Kung babantayan man nyanyung baby namin saglit lang like kapag may ginagawa ako ipapakisuyo ko sa kanya okaya kapag may aasikasuhin ako sa labas doon lang sya magbabantay. Kapag kinakausap ko sya sasabihin nya madrama or what okaya kapag pinupuna ko or sinasabihan ko sya nagagalit sya. Madalas napipikon. Sa kanila kase hindi sya sanay na pinapagalitan ng nanay nya. Yun na rin siguro yung dahilan kung bakit ang hirap ng bawalan at ang tagal nya mag adjust

Parehas nman pala kau kmkita. At baby plang anak nio, pagusapan nio kasi mas mhrap kng nagaaral na ang bata. Kme ng hubby ko sya lang nagwwork thank God kaya nman nmen

Yung first namin sis nag aaral na. Ngayon hindi ako nagwowork dahil kakapanganak ko lang at mahina rin ang kita nya kaya pinagtitiis ko muna sya. Pati bago ako manganak nagkaproblema kami dahil may mga expenses or utang sya na hindi sinasabi at hindi nya rin masabi kung saan napunta. Yung nalaan naming pampanganak halos maubos dahil biglang naningil mga pinagkautangan nya ng hindi ko alam. Alam mo yung kampante ka na akala mo okay na lahat, bayad na mga bills, ready na manganak tapos biglang ganon. Yung pampanganak parehong pera namin na inipon. Alam mo yung hindi naman problema sa akin yung pera kung kailangan nya pero hindi nya masabi. Which is ganyan rin sya sa mama nya 😞😞

Ilang taon nba kayo? At gano nba kayo katagal? Seems like hnd nio pa ganun kakilala ang isat isa..

Kaya pala, nasanay na sya kc nkkitira cgro. ung expenses nya dati nung wala pa sya bnbyarang bills ganun pdn sya cgro gumastos. Yan tlga mhrap pag nkktira. Kaya cgro ako mejo smooth ang takbo ng smen ng asawa ko kasi mula nabuntis ako nagsolo n kme. Kaya nasanay n kme na pagkSyahin ano meron. Nagaadjust pa kau cgro kung baga balik sa umpisa. Sbe nga nla dba hnd ka tlga nag asawa kung nkkitira lang kau sa inlaws kc d nio mrranasan ang hirap ng tumatayo sa sarili. Nasanay na c mister na nakkuha lahat kht magipit at un ang dapat iexplain m sknya kc ikaw ang asawa kaung dalawa lang mkkpagayos nyan.

If u think ur financially capable without him, then leave him.. simple as that 🤗👍

Ikaw Ang babae dpat ikaw ang mas stiff decision kaso parang ikaw ang under bAsed sa kwento mo. Spoiled ba sya sau during bf/gf days nio?

Trending na Tanong