Weight loss

I'm a first-time mom and tabain talaga ako ever since. Kakapanganak ko lang last December 2019 via C-section. Hirap ako magbinder kasi sobrang nangangati ang balat ko sa masisikip or fitted na tela o damit. Minsan nagsusugat pa. In short, hanggang ngayon ay malaki ang tyan at puson ko kasi after 1 month, hindi na ko nagbinder. Naooffend ako pag may nagsasabi sakin na, "akala ko ba nanganak ka na? bakit ang laki pa rin ng tyan mo?". Mga taong insensitive ba. Balewala lang naman sa hubby ko na naggain rin ako ng weight kasi ayaw niya na magdiet ako since nagpapabreastfeed ako. Though okay lang sa husband ko na mataba ako, sobrang nagiging insecure ako para sa sarili ko. I have symptoms of PPD rin and alam ko na hindi healthy kung ganito ako mag isip. Gusto ko maging confident para sa sarili ko. Ano po bang magandang exercises na pwede para sakin na na-cs? TIA.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Subukan mo po mag girdle, lagyan mo muna ng cloth or panyo sa may bandang tyan saka mo isuot. Ganun ginagawa ko kasi nangangati din ako. Ayos lang din kung di kapa nagweight loss kasi kakapanganak mo pa lang naman plus nagbbf kapa. Hayaan mo sila. Basta healthy kayo ni LO. Btw, bf mom din ako, 17 mos Postpartum.

Magbasa pa