11 Replies
Mommy, The more you mix feed, the less milk your body will produce. Every ounce of formula you give is one ounce that you told your body NOT to produce. Do not fall into the Top Up Trap! Ito yung Top Up Trap: Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo ==> Magbibigay ka ng formula/Magta-top up ka ng formula ==> Mabubusog sobra si baby at matutulog ng mahaba (kaya siya nabubusog kasi mabigat sa tiyan ang formula kasi yung composition ng gatas ng baka ay para sa mga baby na baka na merong apat na tiyan eh ang babies natin isa lang ang tiyan; kaya siya matutulog ng mahaba kasi yung energy ng katawan niya ay mapupunta lang sa pag digest kasi hirap siya kasi nga isa lang ang tiyan nya kaya habang nagda-digest, lahat ng energy andun, matutulog ang katawan niya to cope) ==> Mas dadalang ang pagsuso sa iyo ni baby ==> Lalong kakaunti ang gatas mo 😞 ==>Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo ==> At paulit ulit ito hanggang mawala na ang gatas mo. Our bodies are wonderfully designed. Kung ano ang kailangan ni baby, yun lang ang gagawin na gatas. So mas madalang si baby sumuso, mas konti ang gagawin ng katawan na gatas kasi iisipin niya hindi naman kelangan; mas madalas si baby sumuso, mas maraming gagawin na gatas ang katawan. Number 1 rule yan sa breastfeeding. Kahit na isang sakong malunggay, gata, fenugreek, brewer's yeast, malt, atbp ang inumin natin, kung hindi magla-latch si baby ng maayos, hindi gagawa ng gatas ang katawan.
Hi mommy. Malalaman po kung may nadedede si baby based on their output-- pupu, wiwi and pawis. Also remember na ang pag-iyak ni baby is not always dahil sa gutom sya. And breastfeeding is not just for food ni baby but also for comfort kaya expect na lagi nya itong hahanapin specially kapag newborn stage nya. Remember na 9 months si baby sa loob ng comfy and quiet tummy natin kaya super comfy rin sya on our breast, hearing our heartbeat ☺️ Ang best na "pampadami" ng breastmilk ay Unlilatch/ feed on demand lang po and keep yourself healthy and well-hydrated ☺️ Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Again, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output at hindi sa dami ng napu-pump. And again, remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ If extra fussy than usual, consider Baby Growth Spurt.
kamusta output? poop and wiwi meron naman po ba kung pure BF? if meron.. means sapat ang nadedede niya sayo.. hindi mo po yan makikita sa pag swallow niya.. yung tagal sa pagsusu niya.. ganon talaga yun mi lalo na kung nagcclusterfeed si baby halos buong araw yan sususu sayo.. Law of Supply and Demand. the more na mag papasusu ka the more na magpproduce ng milk ang breasts mo... at the more na magbibigay ka ng formula milk ganon din ang bawas ng milk supply mo.. at lalo na kung masanay sa formula si baby hahanap hanapin na niya yun... actually ganyan din sa akin nung na NICU baby ko nag mixfeeding na nga sa nicu pag nauubos na yung pinatatabi kong pumped milk.. pero pag uwi namin napaso lang yung Enfamil kasi mas finocus ko direct latch ang baby ko. at til now nagpapasusu pa rin ako 19mos old na si baby.. Godbless mi.. nasasayo nalang po yan desisyon kung mag mixfeeding ka or gusto mo mag pure BF nalang.. di din ako against sa mga mommies na nagfformula.. lahat naman tayo ang gusto lang naman natin mabusog ang mga babies natin.
Hi mommy, i also did mixed feeding, and now, pure formula fed na si baby. I had mild depression after giving birth and i felt tremendous pressure and guilt when i wasn't able to do BF. Pero later on, i decided to just switch to formula because my mental health matters, too. I can take care of my baby better if i am mentally well din. You know what's best for you and your LO, iba iba talaga tayo ng situation and switching to formula doesn't mean you're a bad mom. All the best to you 🩷
check ang wiwi at poop ni baby. also, lalong hihina o "di sasapat" kung in between nagfoformula ka. the more maglatch si baby, the more ang milk supply. law of demand and supply kasi talaga ang breafeeding. also if iniisip mo na "kulang" talaga, yun ang madedetect ng katawan. rember na stress t megative thoughts, nakakaapekto sa supply. kahit anong inumin o kainin mong "booster" if stressed at negative ang tumatakbo sa isip mo + di consistent ang latch ni baby (stimulate ang suso) wala rin.
More water mommy inom ka din malunggay capsule tapos mag sabaw ka ng magsabaw pwede kadin mag pakulo ng malunggay inumin mo or tubig mainit ung katamtamang init lang inumin mo before mo padedehin si baby hehe tapos hilot din sa boobies 2days ko gnawa yan effective naman basta padede mo ng padede kay baby lalakas din yan lagi ka lang magsabaw lalo haluan mo ng malunggay effective.🥰
hi mommy, i feel you. pls know that you are doing great. ako nag sisi ako kasi kakapush ko sa exclusive breastfeed na yan e di pa talaga sapat napproduce ko, si lo na dehydrate kasi masyado na malakas sya uminom or marami na gsto nya itake peor di man lang ako.makaproduce ng 10ml. Ended up hypoglycemia and nadehydrate bby na admit pankami for 10days sa ospital
unli latch lang po at inom ng malunggay capsule tsaka madaming sabaw. ganyan din po kami nung una mix fed pero gusto ko tlga breastfed. nagtry din po ako magpump pero di ko natuloy tuloy kc lagi po naghahanap ng dede c baby. ngaun okay na po milk supply ko, sakto lang. kaso maselan ako sa pagkain. kumukonti milk ko pag may nakakain ako na di pwede.
Hi mommy, don't worry too much. Nothing's wrong with how you feed your baby. You know what's best for your baby. I also mixed feed my daughter and gave her formula milk coz I also have low milk supply even I followed all the advice how to increase milk. She's now 2 years old. She's smart and healthy.
dont mind what others tell,. you can do Natural remedy mommy inom ka ng maraming tubig, at sabaw sabaw lang