95 Replies

Have another ultrasound after 1-2 weeks. Kung wala po talaga, confirmed na embryonic demise yun. Share ko lang po explanation ng OB ko about sa ganitong case before. Sa ultrasound po normally, madedetect na ang heartbeat ni baby as early as 6 weeks (iba ang ultrasound sa doppler). In 6th week kasi ng mga embryo, unti unti ng nagfufunction ang circulatory system nila which will help develop the embryo. May mga cases din na empty ang gestational sac sa unang ultrasound--nangyayari naman ito kapag too early nagpaultrasound or late conception. Sa case nyo po mommy, measuring 8 weeks na si embryo. Meaning at some point in time, nadevelop at tumibok ang puso niya and suddenly stopped. Sa medical term, hindi talaga considered as viable ang embryo kapag walang heartbeat kaya ang impression ay embryonic demise agad pero your OB will want you to wait for a week or two para magpa ultrasound ulit to check if may changes before deciding to terminate the nonviable embryo. Continue to take prenatal vitamins habang nag hihintay. Praying for you and your baby.

kumusta po

Same exp mamsh. July 10 nagpa trans V ako, 2 weeks delayed na ko nun. Then sabe sa tranv GS lang nakita and may bleeding sa loob, super early pa daw para madetect si baby. No spotting and nothing weird din sa nararamdaman ko physically. Nag reseta si dra ng progesterone and folic acid. Next week ung sunod kong trans v and super pray ako na sana magka heartbeat na. prone pa naman kami sa miscarriage sa fam background ko kaya super kaba ako. Hays kung para saten, ibibigay yan pero kung hindi pa, I believe God has better plans for us. We just need to trust and have faith in Him.

pa 2nd opinion ka sis para sure and pray lang lagi. Ako 1st na pag bubuntis ko anembryonic pregnancy walang bata na nadevelop sobrang sakit pero nag dasal ako kay Lord sabi ko Siya ng bahala pero nung time na yun siguro hindi pa will ni Lord na magka baby kami pero after 2 mos na bless na kami ulit ni Lord and now I'm 13 weeks pregnant. 🙏 kaya sis pray to God walang impossible sa Kanya at may purpose Siya sa lahat. 🙏 kain ka lang muna sa ngayon ng mga healthy na pagkain and vitamins tapos pa 2nd opinion ka and pray lang 🙏😊❤

Yay we have the same case sis ako ngaun 12weeks and 2 days..

Not to be too harsh or negative, but if it said in the ultrasound that it is embryonic demise ld it means you need to under go D&C. I experienced this twice first pregnancy and third. Sa first ko no pain, no spotting, good appetite. First ultrasound at 7 weeks was fine (with heartbeat) 2nd ultrasound at 10 weeks no heartbeat. Sa third ko naman nag LBM at suka lang ako which is known to be common for first trimester (12 weeks) pero sabi ni OB mag pa admit na ko, pag dating sa hospital nag bleeding na ko then pagka ultrasound no heartbeat na 😔

Anong meaning niyan sis..

Ung 1st pregnancy q last year ganyan na ganyan. Di q matanggap... nag tvs aq 12weeks na, mejo late na, kz ung ob di aq inuupdate kung anu next step na dapat q gawin. Result ng tvs is the the baby is 8weeks demise embryo. 48hours aq umiyak nun, then nag2nd opinion aq (2nd tvs) same result. after that nilakasan ko nmn ung loob ko at ung buhay ko nmn ang inintindi ko. Hinintay ko lng paglabas ng embryo ko at dinudugo na.. tumakbo na ko ng PGH. painless raspa at buti ok na q ngaun.

first baby ko mag 3months na nun tummy ko. first ultrasound medyo ok heartbeat. tas second ultrasound ko wala na heartbeat baby ko. chaka diko feel din na preggy ako. kaya nagtataka ako. so sad. kaya kaylangan tanggalin😢. after 6mnths. ngayon buntis ulit ako 4mnths na tummy ko😊 kaya nag iingat nako. mas mabuti ipaulit mo ulit. ingat po lagi godbless.

Same. Case po wla ako narramdman. Dapt 16 weeks na. Pero nung natrans v ako wla heartbeat. Gestation age lang niya 10 weeks and 6days hindi ko pa. Nattanggal. Yung baby sa tiyan ko 2 days na kasi may oinapainom pang gamot sken na evening primrose oil hanggang ngayun wla pa din ako bleeding

ako nmaan po 1st trans V ultrasound ko , at 5weeks may heartbeat na daw po si baby ko sabi nung nag ultrasound sakin .. and feeling ko heartbeat ni baby ko ung nararamdaman ko sa gabi kasi parang may pulso na malakas banda sa tiyan ko .. pray pray po momshie . GODBLESS !!

ndi naman po masakit .. normal lang parang sumasabay sa heartbeat mo sis pero mararamdaman mong ung pulso nanggagaling sa tummy mo ..

Mommy think positive para iwas stress. Ako nga nklgy sa trans v ultrasound ko, may minimal hematoma.. may dugo dw sa loob. Tinanong ako kung ng spot ako o may masakit, sabi ko wala. Normal pakiramdam ko, walang sumasakit at di din ako nag spot. Pray lng po mommy.

Sis nung first trans V ko ganyan din ang findings.. balik ako bukas para ulitin hope na mwla na ung dugo and my heart beat na si baby that time kasi 5weeks plang ung baby kya d pa marinig heartbeat

According po sa result nung UTZ, early embryonic demise..it means Failed early pregnancy (refers to the death of the embryo)..pero it's better po to undergo another ultrasound aftr 1 to 2 weeks for confirmation.. Pray lng sis..miracles happen..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles