PLEASE ENLIGHTEN ME MOMMIES 😭

Hello, I'm 5mons pregnant, nung nagpa ultrasound ako, wlang makitang baby 😭 May gumagalaw nman sa tyan ko, may milk rin naman dede ko, sa health center po ako nag pre natal, my heartbeat nman po.. Diko alam kung bakit sa hospital na prenatal wlang heartbeat sa ultrasound din walang baby 😭😭 After po ako nagpa ultrasound gumagalaw pa nman baby ko 😭😭 Sana po may nkakaalam or mah experienced nito tulad sakin na mkakapag enlighten me 😭😭 thank u po. God bless! ❤️ #pleasehelp #worryingmom #PlsEnlightenMe

PLEASE ENLIGHTEN ME MOMMIES 😭
36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nkta ko ung dating comment mo sis s isang post dto s app. namention mo dun na nagbleeding k ng ilang beses in your early weeks pero d k p nkpgpacheck up kya hoping k n sna ok baby mo. not sure lng kung ngpacheckup k n eventually pgtapos nun. if hnd mo kc naagapan s checkup un at pgtake ng necessary med pra kumapit, bka d mo nmalayan, sorry medyo mabigat, ngkaroon k n ng miscarriage. naexperience ko rn before yan n hnayaan ko lng yung bleeding kc sbe ng mtatanda, "paawas" lng dw un o yung huling regla pero safe nman dw. un pla nkukunan n ko. to confirm, ultrasound k n lng ulet.

Magbasa pa
3y ago

Nkapa checkup ako nun sis. ni resitaan panga ako ng pampakapit.

Baka hinde ka na buntis? Nabasa ko kasi sa ibang post mo na nagbleeding ka early weeks mo? Baka nakunan ka sis? 😞 Baka ung heartbeat naririnig sa doppler sayo un. Ilan daw heartbeat nakukuha nila? Pacheck ka nalang uli sa iba. Napakatanga naman nung nag ultrasound if nagkamali cia. Pero it happens. Pero very unusual not to see anything tapos 5 months ka na. First ultrasound mo ba to? Hopefully tanga lang talaga ung nag ultrasound. Pray lang din sis.

Magbasa pa
3y ago

Tapos 5 Months na kung nakunan yan malalaman nya yan at buong bata na yon eh . pa checkup ka sa iba mi . pra maka sigurado ka ☺️ tama malaki nga tiyan mo . sakto sa 5 months

Nag PT ka na before pra masabi na pregnant ka? Kasi di na ko updated kung ano gamit sa health center pero before na assign ako dun, wala naman silang equipment gaya sa private OB’s. Transvaginal din i think di na recommended kasi 5mos ka na, dpat visible na yan sa transabdominal ultrasound. Try mo pa check sa ulit sa iba kasi baka false pregnancy sya or baka ibang medical condition na nagmi-minic ng pregnancy symptoms kaya pakiramdam mo buntis ka. Hoping for the best. Take care po.

Magbasa pa
3y ago

bhe search mo phantom pregnancy.

parang akoy kinakabahan 1rst to 2nd TRIME tatlo na ultra ko pero may laman naman at ok naman HB nya nakita narin gender nya same 5months rin ako may nagalaw din nman sa tiyan pero sayo lang talaga imposible na cucurious lang ako sayo sis pag nakahiga ka naman sis may mahahawakan ka naman na naka umbok ehh at pag uumbok sya matigas sya may ganyan ba sayo sis

Magbasa pa
3y ago

Yes sis meron..

sa totoo lang mamsh mas my tiwala ako sa ospital pag nagpachek up.d po sa minamaliit ko yung brgy.health staff pero na experience ko dati sabi nung staff mommy dalawang heartbeat nririnig ko sa doppler.twin ata baby mo.nahappy ako at na excitw but then nung pa pre natal n ako sa ob ko ayun nga kita sa trans v isa lang n baby.

Magbasa pa
3y ago

Iba iba kasi ang hospital my. dito maraming nkaka experience katulad ko na Kahit buntis, sa ultrasound walang laman na baby. kaya magpa second opinion ako. Lipat ako ng private na OB.

yung result ng ultrasound sis dun mo makikita yung reason.usually yung sinasabi mo na maraming nakikita na walang laman yun yung mga nasa early stage like 6-8weeks.yung case mo kasi dapat buo na si baby nyan kaya imposibleng walang laman.kung bothered ka sana asap nagpa ultrasound ka na.

bakit walang baby? sadya bang ganyan kalaki tiyan mo dati pa? ako kasi sadyang malaki nag tiyan eh mga ganyan kalaki. kung sadya din yang sayo malamang nga walang baby yan. di namn pwedeng lalaki yan ng ganyan kung walang laman. liban na lang kung sadyang malaki na yn dati pa

3y ago

Hindi nya po ma explain kasi nag ba'base sya sa nakita nya sa ultrasound..

TapFluencer

Patransvaginal ultrasound or pelvic ultrasound then pacheck sa OB yan lang yung way para malaman, kasi sobrang imposible po ng case mo for 5mons wala pang baby tapos may nararamdaman ka? Kalokohan po yon. Paultrasound na agad para maconfirm.

parang imposible naman sis pero nung first trime kaba may nakikita bang baby kasi baka saka nila yung may sira pero ramdam mo na may nasipa at naririnig mo HB ni baby sa fetal doppler kasi napaka imposible naman sis kung ganun na walang makita

3y ago

nakapag pa transv na po ba kayo

Mommy impossibleng magkamali ang ultrasound. Pacheck mo po baka Myoma of the uterus po yan. Kasi lumalaki din ang uterus pag may myoma at nagkaka positive PT din kaya akala buntis. Pero pag wala pong bata, possibleng may problema po kayo sa uterus.

Related Articles