Obserbahan mo lang momshie. Kasi sa 2nd kid ko, di na ko umabot ng due date ko. Due ko before is Nov 22 pero first week palang ng November nanganak na ko. 38 weeks sakto. Hindi na din sinuggest noon ng OB na paabutin ng due date kasi baka ma CS ako dahil malaki na tiyan ko nun para sa height ko, dahil maliit lang akong babae. Pinag diet na ko nung 8 months ako kaso di nag work. Kaya buti na normal ko padin. From 45 kgs to 60 kgs ako nun kaya sinabihan na ko ng OB na mag diet. Obserbahan mo lang momshie, kasi nung nanganak ako sa 2nd ko, nung humilab na tiyan ko, every 10 mins yun continous, no discharge, nagpadala na ko sa lying in. Pagdating namin 2 cm na ko kaya di na kami umuwi at kinabukasan ng madaling araw, nanganak na ko. Minsan kasi tolerable lang ung sakit pero di mo mamamalayan na nataas na pala cm mo at naglalabor ka na.
Sign na po yan. Bantayan mo nalang po interval ng contraction and yung pain.
Until now po medyo sumasakit padin sya?. Naninigas padin sya sobra.. Napapa bukaka aq pag tumitigas ng sobra.
Leen Lazo Rufo