Help naman po
Im 36 weeks and 4 days pregnant. Tom may pasok na ulit ako sa work natatakot ako para sa amin ng baby ko ? dahil sa virus nayan. Kailangan ko bang mag stop na sa work or hindi naman ? Lagi na kaming nag aaway ni hubby kasi bakit kailangan ko pa daw mag work. Kong kayo ba nasa sitwasyon ko titigil po ba kyo or hindi Naman?
26weeks ako ngayon. Im actually working sa bank, hindi na ko binigyan ng sched since skeletal work force yung ginawa ng heads namin, saka ilang branches lang din yung pinabuksan. Hindi pa dn ako papasok once mag announce na balik na sa office. Mahirap sumugal momsh. Naghahanap ako ngayon ng temp wfh. And ayaw ako payagan ng hubby ko na pumasok sa office. When i told my manager, naintindihan naman niya yung sitwasyon ko😊😊
Magbasa paPrivate company ka po ba nagwowork or sa government? Tsaka ano po status ng quarantine sa lugar niyo?ECQ, MECQ, GCQ or MGCQ po? Kasi ako po 20weeks pregnant na po ako. But nagrequest po ako ng work from home. Since nasa guidelines naman po from national govt and IATF na as long as possible mag stay home lang po yung mga pregnant women since we're vulnerable po sa mga sakit. Hindi ka po ba pwede magrequest na mag work from home ka?
Magbasa paWag ka na pumasok sis,Ako before palang mag declared ng Quarabtine nag Leave na ako sa work ko. Hnd ko naman pagpapalit ang work or pera sa safe and health namin ng Baby ko kasi yan pwd kitain later on. Saka kapag nahawaan ka wala naman help na mabibigay ang company mo eh baka Sorry and some money lang. Kaya girl wag ka na pumasok but make sure na naipasa mo na ang MAT1 mo at makuha anh benefits mo.
Magbasa paThank you sa lahat ng advise niyo mga mommies. Hindi ko na mareplayan isa isa pero Thank you atleast hindi nako makikipag away kay hubby kasi alam kong tama naman pala siya. Sorry first time mommy kasi. Thank you kasi wala namang negative comment 😊😊 #Keep safe sating mga pregnant #praying for safe delivery
Magbasa paAko Mommy, working in private sector. I'm 20weeks palang naman pero per Quaratine guidelines, pregnants are not allowed to go outside. Consult mo muna sa company or office niyo. Mas risky kasi tayo kaya dapat stay at home lang lalo na po ikaw malapit narin manganak. Ingat po 😊
Wag kana pumasok sis . Mahirap na . Same tayo ng sitwasyon. Need to go back to office nadin dapat ako pero si hubby ayaw na ako pabalikin sa work baka nga mahawa ako sa virus , and natatakot din ako para sa anak ko bka ano nga mangyari. Nagleave na ako hanggang sa manganak ako.
Mamsh mag mat leave ka na po. Ako po nagfile na ng leave before po ako mag 36 weeks. Wag na po kayong magtake risk. Kung mapapakiusapan naman po yung management or boss nyo para ma approve yung leave at ng hindi na kayo pumasok mas okay po.
Kung di ka puwede magleave, take all the necessary precautions. Keep your mask on, wash your hands, alcohol lahat, keep up your immune system with vitamin B, C, etc
db po bWal pa lumabas mga pregnant kht na GCQ?dpat po nagtanong muna kau s company nyo.alam ko po kc kasama ung buntis sa bwal lumabas unless health issue po.
Mgleave ka na lang po kng pwede. Or pagawa ka recommendation sa OB mo para maipasa mo sa HR nyo. Wag po natin irisk an life natin at ng baby natin.
Herian's Mom ❤