Jeny An Bantilingan profile icon
PlatinumPlatinum

Jeny An Bantilingan, Philippines

Contributor

About Jeny An Bantilingan

1st Baby #excited?

My Orders
Posts(46)
Replies(29)
Articles(0)

My baby Athena Jeyra

Edd: June 12, 2020 Dob: June 8, 2020 at 1:45pm 3.2kg via NSD 1st baby 1st time mommy Share ko lang ang experience ko June 8,2020 6am bumangon ako para pumunta ng cr isang gabe akong walang tulog dahil sa sakit ng puson ko, wala si hubby nun kasi napasok siya at stay in sa work ang family ko lang kasama ko. Nagpunta ako sa cr dahil nasusuka ako at dahil nadudumi din ako. Habang dumudumi ako nagsusuka naman ako after ko sumuka naghugas nako then may nahawakan akong parang sipon na malapit na may halo siyang dugo. Sinabi ko sa mommy ko at pinaligo na niya ako. Pumunta kami sa hospital pag IE sakin 3cm na daw 10am pinaakyat nako sa delivery room para lagyan ng dextrose sobrang sakit pala talaga maglabor. 12nn IE na naman ako 5cm na daw sabi ng OB ko 6pm papaanakin na daw niya ako. Pero sabi ko sa nurse na naiwan sakin sobrang sakit na talaga. Tinurukan nako ng epidural para kahit papano mabawasan daw ang pain pero wala naman nangyari sobrang sakit talaga naiiyak nako. 1pm sabi ko diko na talaga kaya. Kaya tinawag na ng mga nurse ang OB ko pag IE ulit 7cm na daw. Umalis ulit si OB para mag lunch sabi ko sa nurse natatae nako maya maya dumating na ulit ang OB ko para mag IE then 10cm na daw kaya nagready na sila. Pinapaire nila ako ire naman ako ng ire pero hindi daw ganun ang tama. Nasa bungad na ang ulo ni baby konting ire nalang daw lalabas na siya pero halos nawawalan nako ng lakas dahil kong ano ano nalang tinuturok nila sakin hinang hina na katawan ko bumabagsak na dalawang paa ko hindi ko na kayang itaas pero pinipilit ko kasi naiipit na daw ang ulo ni baby. Kahit anong ire ko diko talaga makuha ang tamang pag ire umiiyak nako sabi ko sa OB ko na CS niya nalang ako kasi diko na kaya. Kinausap ako ng OB ko na baka gusto ko ng kasama sa loob ng delivery room gusto ko ba daw na nasa loob si mommy, sabi ko Oo, kaya pinatawag nila si mommy. Pagpasok ni mommy sabi ko agad sa kanya na hindi ko na kaya iyak nako ng iyak. Btw si mommy kasama ko sa loob kasi that time si hubby papunta palang ng hospital. Pinakita ni OB kay mommy ang ulo ni baby na nasa bungad na nga daw konting ire nalang daw. Bawat hilab ng tiyan ko sinusubukan kong umire ng tama pero wala pa din natatakot nako kasi baka mapano na si baby sa loob . Sabi ko sa mommy ko na diko na talaga kaya. Sobrang hirap na hirap na talaga ako wala ng lakas ang katawan ko kasi wala pa akong kain simula morning kahit inom ng tubig wala talaga. Wala akong lakas nanghihingi ako kahit water man lang sa mga nurses para madagdagan ang lakas ko pero bawal daw. Kaya sabi ni mama sa OB ko na CS nalang ako. Nagulat ako kasi akala ko nagready na si OB para CS niya ako Thank God kasi sobrang bait ni OB tinulungan niya talaga ako para ma normal si baby hiniwaan niya ako ng halos 6-7 na hiwa tapos isang malaking push at ayun lumabas na si baby. Iyak ako ng iyak na nakita si baby kasi sa sobrang tagal na nasa bungad ni baby humaba na ang ulo niya dahil naiipit at sabi din ng OB ko kaya pala daw ako sobrang nahirapan ako dahil nakatihaya si baby. Awang awa ako sa ulo ni baby pero ngayon okay na siya bumalik na ang ulo ni baby sa normal. Today 3 weeks and 1day na siya. Sobrang healthy. Thank you kay lord kasi diniya kami pinabayaan. Sobrang thankful ko din kasi hindi ako iniwan ni mommy. Good luck sa mga mommy jan. Ingat kayo palagi at always pray. 🙏🙏

Read more
My baby Athena Jeyra
Super Mum
 profile icon
Write a reply

Share lang ✌️

Hi mga mommy share ko lang nangyari sakin kanina. 8:00 am bumangon ako wala naman akong nararamdaman kundi paninigas ng tiyan nag bfast na lang ako kasi follow up check up ko today sa OB ko. 8:30am bigla nalang sumakit ang tiyan ko hindi ko lang pinansin kasi akala ko lamig lang kaya uminom ako ng maligamgam na tubig. Hanggang sa sumakit na talaga siya at sinabayan ng paninigas ng tiyan at pinagpapawisan nako. Naligo nako para makapunta na agad sa ospital para sa follow up check up. Nawawala naman ang sakit niya 3-5 mins ang pagitan sasakit na naman siya ulit. Pagdating sa ospital pumila pa kami sabi ng mother ko kong kaya ko paba daw sabi ko Oo kaya ko pa pila nalang kami kasi kong hindi ko na kaya magpapa admit nalang dahil admitting order naman na kami na binigay si doc sakaling mag labor na talaga ako. Habang nasa pila nako palala na ng palala ang sakit hanggang sa nasusuka nako, hinang hina na katawan ko feeling ko mawawalan nako ng malay kaya dinala nako sa ER. Tamang tama andun na yong OB ko talaga dahil may clinic naman talaga siya today. Nagpa IE nako kaso close pa daw ang cervix ko. Pero sobrang sakit talaga sabi niya kong magpapa admit na ako baka abutin pako ng ilang days na maglabor sa ospital at baka sobrang laki ng bill namin kaya sabi ko uwi muna kami. Eto nasa bahay kami ngayon habang pabugso bugso ung sakit, binigyan lang niya ako ng Buscupan para mainom for 1 week. Akala ko pa naman labor na talaga tong nangyayari sakin pero sabi ni doc false alarm palang daw to kasi close pa nga daw ung cervix ko. First time mommy kasi kaya diko talaga alam kong ano ang totoong feeling ng naglalabor. 38 weeks and 3 days. Praying sa safe delivery ng mga team June ❤️ Pray lang.

Read more
 profile icon
Write a reply