Just want to share.

Im 33 weeks. Gusto ko lang may masabihan ng narramdaman ko. Im ftm 22 yrs old and madami din dito samin na buntis mas bata pa nga sakin and mga nanganak na. Papalapit ng papalapit di ko alam narramdaman ko. Sobrang kaba na di ko malaman. Naiiyak ako sa takot sa sakit na sinsbe nilang labor. Idk sobrang kaba ko lang talaga dumadagdag pa yung isipin ko kase may asthma ako and mahina ako sa pain, di ko masabe sa asawa ko kase mas kabado sya kesa sakin ayoko naman na pati sya humina loob dahil sa narramdaman ko. Excited nako makita si baby actually konti nalang kumpleto na yung gamit nya. Yun lang talaga nag papa stress sakin yung nalalapit kong panganganak. Can someone give me words na lalakas loob ko. Thankyou so much guys. Lagi lang ako nag babasa ng mga birth story dito. God bless.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh,strong tayo mga mommies. Tayo ang mga superwoman sa pamilya natin. Be strong for your baby. Need niya maging strong ang mommy niya para sa kanya. Kaya mo yan! 😀 Pray ka lang kay Lord at tatagan mo loob mo. Siya ang gagabay sayo. Kasama lahat ng mga taong nagmamahal sayo at sumusuporta sayo. 🙂 Sa ngayon naiisip mo yan. At normal yan. Pero pag andun ka na,wala ka ng ibang iisipin kundi ang lumaban para sa inyo ng baby mo. Kaya lakasan mo lang ang loob mo. Sa una lang ang hirap,pero naniniwala ako na malalagpasan mo yan! 😊

Magbasa pa