Di gumagaling na UTI

I'm 32 weeks pregnant, naka 3 labtest nako ng urine pero mataas parin ang result ko sa uti pinauulit uli ako maglab pang 4th time naman na kaso di ako nakapagcomply kasi naglockdown , Ngayon di parin ako nakkpgpacheckup. last check up ko march 29 pa,Pano pag di gumaling uti ko, Ano ba posible na mangyare? kay baby? Ang sabi sakin ng taga lying in Clinic baka daw iCulture ang wiwi ko pag ganun. haissst ginawa ko naman na ang lahat pati paginom ng antibiotic at more water at buko. PS: malakas nman ako sa water at buko ngayon

Di gumagaling na UTI
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako pina repeat ako urinalysis kasi mataas uti ko tsaka may nana pa. binigyan ako ng gamot 1week ko ininom tsaka water² every time as in yung feeling na prang puputok na tiyan mos kakainom ng tubig. pero okay lang naman kasi e ihi mo naman yun. gang sa nagpa labtest nako ulit. ayon okay na lahat as in normal na. kaya water² lng talaga momsh

Magbasa pa

Tiyaga lang sa water mamsh. Try niyo din po cranberry juice. Ako nga po 5 times nagka uti nung buntis, kasi daw po before mabuntis baka daw kung ano anong gamot lang pinapainom kaya di talaga gumagaling e prone to uti pa naman po ako. Awa ng diyos wala naman pong nangyaring masama samen ni baby kahit kinailangan kong saksakan ng iv dahil sa uti

Magbasa pa

same sakin momsh nung preggy pa ko, di nababa uti ko, ang ginawa ko lang tubig lang talaga iniinom ko walang buko, walang kape, walang softdrinks as in tubig lang tas more on vegetables tas iwas din sa salty foods hanggang sa manganak ako di nawala uti ko and thank God kase walang nangyareng masama samin ni baby.

Magbasa pa

Try cranberry juice sis. Samin ng sister ko yun ang iniinom nmin. 15 weeks plng skin pero my uti n din ako. Dun s 2nd baby ko nun weekly check ng ihi ko dhil d nwawala dko pa lam yung cranberry juice nun kya paglabas ng baby ko meron dn cya infection..

Ganyan din ako momshie ngayong 12weeks na tyan ko. Uminom nako ng antibiotic for 7days at puro tubig lang . iniwasan ko na lahat ng bawal pero imbis bumaba yung uti ko lalo pa tumaas nakakastress isipin tapos ang hirap pa umihi pabalik balik sa cr :(

5y ago

Safe nman daw sabi ng ob kaso ayaw ko ulit mag take for second week water theraphy nlang at fresh buko sana mawala natong paghihirap natin :(

Dilikado kasi ky baby pag may uti ka sis.. Maaga pumupotok ang panubigan kahit hindi pa due. Or magka UTI din si baby or maapektuhan po ang mata ni baby. Yung gamot po sa UTI inumin niyo na lang po thrn continue drinking 2-3liters of water everyday po.

Ganyan din po Yung akin nagpa Lab ako ulit ngayunkaso pano kopo malalaman kasi sa PUS CELLS Yun diba nalalaman mga kananay. Kaso ito po Yung result sakin ngayon. Pano po ba malalaman pag ganito? Salamat po sa sasagot. 😊

Post reply image
5y ago

Yes..! Thankie momshie.. Hihi wort it ang pag inom ng maraming water at buko sa Umaga. Hihi. 😊❤️❤️

Palit panty po kahit 3x a day. At gamit ka ng feminine wash. Inom buko juice pure at alkaline water. (natures spring ph9) atleast 3litters a daym iwas sa mga bawal na food na malakas maka uti...

Buko juice po helps me a lot kala ko di na mawawala uti ko sa frequent na water iwas muna sa salty foods. Kase kahit minsan lang kumain ng salty ramdam ko kagad yung sign na masakit pag umihi .

Sis, baka need na nga iculture ang wiwi mo para malaman which antibiotic ang effective pra mawala ang uti mo, baka kc immune na body mo sa naibibigay na antibiotic ng doc. mo..