HINDI BA MAHIRAP PAG MA CS?
Im 31 weeks sa ngaun thru cs po gagawin sakin..

mahirap. and kahit pakiramdam mo parang anlakas mo after mo CS wag kapadin magkikilos ng bongga. ako kasi after ko ma CS, wala pang isang oras sa recovery room nagalaw ko na paa ko. pagkaakyat ko ng room nakautot ako agad. kinaumagahan naka poop na. malakas ako noon tapos after discharge lagi ko buhat si baby lagi din nakatayo, lakad labas ng bahay mag grocery etc. pero mga ilang days after grabe yung sakit ng katawan ko tapos pati puson tapos imbes na humina yung bleeding ko balik lakas ulit. dun ko narealize na dapat pala nagpahinga talga ako. laking tulong ng binder as support sa tahi mo. tapos masakit din umihi dahil sa pamamaga dahil dun sa catheter. nagprescribe si ob ng vitamin c (forgot kung ascorbate ba or iba) para makatulong sa pagheal ng sugat. tapos maganda yung tinakpan ni ob ng waterproof dressing yung tahi ko tapos after a week (check up tlaga after manganak tapos para macheck din yung tahi) nya na tinanggal. after nun ointment nalang nilalagay.
Magbasa pa


