Hi, I'm a 20 year old student, 5 buwan na tong dinadala ko pero hindi ko pa nasasabi sa mama ko at sa parents ng daddy ni baby.
Araw-araw naman kaming magkasama ni mama, di ko alam if halata na niya, palagi kasi akong naka oversized shirt. Hindi ko alam pano ko sisimulan sabihin na buntis ako. Medyo nahihirapan na ako itago kasi nahihirapan na ako minsan gumalaw at sadyang lumalaki na talaga si baby, bukod dun nakokonsensya din po ako, napapangunahan ako ng takot.
Nakakapagpacheck up naman ako kaso patago nga lang, pero I make sure naman po na naprorpovide ko need na nutrition ni baby at iniiwasan ko mga bawal.
Sana may makapag advice sa akin, Thank you in advance π
#advicepls #pleasehelp #PleaseRespect
Anonymous