PREGNANCY STORY

I'm 20 weeks today, Thank God wala nang bleeding and spotting although high-risk pregnancy pa din. So share ko lang, March 09 last mens ko, April di na ko nagkamens before mag May bumili ako ng PT. The first result was negative, so I was thinking baka delayed lang pero parang iba na talaga pakiramdam ko that time kasi madalas ako nadedelay pero itong missed period lang talaga na to may kakaiba akong feeling na parang di lang sya delayed. Parang ramdam ko na sa sarili ko na pregnant ako. So the next day nag punta kami ng Watson's nakita ko yung ultra sensitive pt. Binili ko yun tapos ginamit ko nung next day morning. So yun kakalagay ko pa lang ng urine sample nag 2 lines sya agad. Ako medyo confused pa that time I bought another 2 PT different brands, both positive ulit. Tapos I let my boyfriend and his parents know about it. Nagpa check up and transvaginal ultrasound ako, confirmed 7weeks preggy na ko kaso after ng ilang weeks dinudugo ako, ilang araw din akong dinugo, parang mens nga eh so sabi ko baka mens? sabi naman ng boyfriend ko di ba nakita sa transv may heartbeat si baby so di yan mens, ayun bumalik kami sa OB. Nagpa Transvaginal Ultrasound ulit ako, 10 weeks na si baby nun, okay naman sya kaso maaga nag ma-mature placenta ko, kaya pinag take ako ng Duvadillan at Duphaston tapos continue yung prenatal vitamins and complete bed rest. So yun lang hehe 💕 Share din po kayo ng pregnancy journey nyo and how you deal with sensitive pregnancy.

PREGNANCY STORY
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Congratulations po mommy😊 hehehe Yung sa akin naman po.. Wedding po namin March 9, 2019.. Last menstruation ko nun April 26, 2019.. Hindi na ko nagkaroon nung May.. Medyo kakaiba din feeling ko nun kasi sobrang hapdi ng tiyan ko pag nagugutom ako, hindi naman ganun bago ako mabuntis. So nag PT din ako.. Yung una negative.. Then yung pangalawa malabo yung 2nd line.. So akala namin negative.. Di pa rin ako mapakali kaya nagpabili pa ko ng isa kay hubby.. Ayun dun nakita namin na malinaw at dalawa ng yung lines😊 super kabado po ako nun pero super happy na nabless po kami agad ng baby😊 nanganak po ako nitong January.. And ngayon 6 months na po si baby😁

Magbasa pa