50 Replies
ipaalam mo sa mga parents mo
Check up with OB and Cardio.. Less stress lng po kaya better if sabihin mo na sa mama mo..
Paalaga ka bes sa highrisk OB. Sa panahon ngaun nareregulate na halos lahat ng sakit. Pero siyempre you have to tell your mom lalo't magastos sa medication lalo kung maselan ka.
Sis mainam magsabi kna agad sa magulang mo, magagalit sila oo pero mas iisipin nila kalagayan mo.. magpray kalang para sainyo ng baby mo, wag pakastress
Delikado nga bb malaki tendency na premature mo mailabas si baby pero pray lang sis para sa safe delivery and Iwas ka sa stress godbless you😊💕
Ipaalam mo na sa mama mo yan and pa-checkup ka para mabigyan ka gamot. Ako may sakit din sa puso pero buntis ulit ako sa pangalawa naming baby ng asawa ko. 18 din ako nabuntis sa panganay pero naging okay kami ni baby. Nakapag normal delivery pa ko. Kaya yan sis. Pray and pakatatag ka para sa inyo ni baby.
Ipaalam mo na para maalagaan ka ng maayos.
ipaalam mo na..pinsan ko may sakit sa puso pero nairaos naman nia sa panganay nia..un nga lang un bata bulag po..then now buntis ulit sia sa 2nd baby nia
ipaalam mo na yan, habang maaga malaman nila .. at huwag kang matakot.
Momsh kaya may cesarean/cs na tinatawag para sa risk cases.