50 Replies

Always be positive and have faith in God. Ang mas mainam pong gawin ay pumunta ka sa obgyne doctor at magpacheck up ka. Sabihin mo kung anong klaseng sakit ng puso ang mayroon ka para mairefer ka niya sa isang cardiologist o yung spesiyalista sa puso para sabay silang tutulong sa iyo. Mas mainam din kung sabihin mo sa mama mo para may maggabay sayo dahil unang pagbubuntis mo yan. Share ko lang sayo iha, ako 27 years old at may mitral valve prolapse ako. Ibigsabihin may singaw ang daluyan ng puso ko. Maliban doon may asthma pa ako at bipolar disorder diagnosed by a psychiatrist with several maintenance medications. Pero simula nung nalaman kong buntis ako. Nagpacheck up kaagad ako sa ob ko at cardiologist ko. Pinahinto mga gamot ko kasi nakakasama sa bata. Kahit na hirap na hirap ako at araw araw akong umiiyak dahil sa mga karamdaman ko lumaban ako kasi lumalaban ang baby ko..currently, i'm 6 months pregnant and im trying my very best para alagaan si baby sa sinapupunan ko at maisilang siya ng maayos. Sana ikaw rin iha, you should fight kasi ang baby mo sayo nakasalalay. Mahal na mahal ka niya and you should love the baby too. Tandaan mo na ang pagmamahal ay laging may kaakibat na pagsasakripisyo. God bless iha.

Na inspired naman po ako sa sinabi nyo. Ako po pag start ng 4 months nahihirapan po ako huminga. Nagpunta ko pulmo ang sabi na triggered daw ng pagbubuntis ko ang asthma pero nagtatagal po napansin ko na parang may nakadagan sa dibdib ko at hirap ako huminga. Ngpa 2d echo ako at may nkita knina lang nattaakot ako dahil.ang sabi ay may kumakapal na wall sa puso ko dhilan para mahirapan mag pump ang puso.. Bago ko malaman araw araw nko umiiyak dahil hirap ako huminga pero Naniniwala ako na hindi tayo pbabayaan ni Lord. He is our great Healer ❤

VIP Member

I also have a heart disease. 28years old. 30 weeks pregnant. I was once told by my former Cardiologist na bawal din ako magbuntis, kasi sobrang risky for me. Pero I always wanted a baby of my own. Heto ngayon, always praying na sana maging successful yung panganganak ko by November or earlier. I thought nga automatic CS na ko, pero my OB encouraged me na kung pwede naman daw i-normal.. Why not? Nakakatuwa din kasi feeling ko yung baby ko hindi ako pinapahirapan. Wala akong shortness of breathing kahit once so far. Continuous pa din naman pagpapa-inject ko which is my maintenance every 21 days plus pa sa oral med. Be positive lang lagi and be happy. Pray, pray, and pray. God Bless satin. I know it will be a worth it journey. 😉

Much better kung malalaman nila agad para mas maalagaan ka ng mabuti. Kahit na graduating ka pa oh ano, it doesn't matter kasi kalagayan niyo ni Baby nakasalalay dyan. Ako nga nung nabuntis ako 6 months nalang College graduate na sana ako kaso nabuntis ako. Nung nalaman nila mas naalagaan akong maigi, Mas naging protective sila. Ang pag aaral sis pwede yan after ka manganak ituloy mo pero yang pagbubuntis mo di na yan maadjust sis andyan na yan kaya pakatatag ka at sabihin mo na sa parent mo. Tiwala lang, Makikinig sila sayo. 🤗

Yes, kasi di kya ng heart minsn ung panga2nk myron akong tita my sakit s puso n my butas ng 3. Nong una tinerminate ung 1st pregnancy nya ksi delikado sa knya. 2nd time n buntis sya tinuloy n nya tinggap n nya ung fate nya n kpalit ng buhay nya ung iluluwal nya pro worst is bka clng dlawa ang mwala. Nong nangank sya underweight ang pinsan ko then after 2 days nya manganak ay namatay sya. 5 years old at mukulit ang bby nya ngyon at Salmat sa diyos di nya namana ung sakit nyang un.

May mga case tlga sis lalo na kapag hindi tlga kaya ng katawan mo. Pero andyan na si baby eh wala rin naman magagawa mama mo kahit magalit sya. Ang pinaka magandang gawin lahat ng sinasabi ng ob mo sayo gawin mo. Tapos the best lahat magdasal kay lord. wag na wag makakalimot. kasi walang impossible sa kanya. totoong may miracle mamsh. basta magtiwala ka lang kay lord :) kaya nyo yan ni baby.

VIP Member

May sakit ako sa puso at buntis ako ngayon. Partida 31 years old nako. May nangyari ba sakin at sa baby ko? Wala. As long as healthy ka, kahit may sakit sa puso hindi hadlang ang baby sa mga ganon cases. Basta nasa tamang pagaalaga lang ng sarili at may regular na check-up, at suporta ng pamilya at kaibigan. Sabihin mo na sa pamilya mo para may gabay ka. Bata ka pa, need mo ng guidance.

Consult ur Dr. Sis.. kumplikado kc Yun. Dodoble kc trabaho ng puso mo kc 2 n Kayo susupplyan ng dugo. Kung d gnun kalakas puso need masubaybayan pag bubuntis mo. Para Alam mo din ano gagawin ska d Po makakatulong Kung ililihim mo sa parents mo.. pinili mo n gawin Kya need mo harapin consequences ng mga choices mo.. need mo sabhin para matulungan k din nila

VIP Member

Pwede ka namn ics kung kaya ng puso mo , pero sis pray lng , maraming mommy na may sakit sa puso na nagsuccess sa panganganak ☺ pray ka lng 🙏 malay mo yang bata na yan maging dahilan lalo para mabuhay kapa ng mahaba 😌 sabhin mo na sa mama mo para alam nya ang gagawin , o kaya consult the doctor para makaligtas ka ☺think positive 👍

Magagalit lang sila sa una. Sabihin mo nang maaga para maibigay yung medical assistance na kailangan mo. Don't try to dwell more on the problem, sa solution mo ibigay yung energy mo. Anjan na si baby. Kailangan mong maging healthy para maging healthy sya. Pray hard :)

Tell mo na kay mama mo tapos magpa-check up ka. Doctor lang po talaga makakapagsabi ng need mo po gawin. I’m sure maiintindahan ka naman ni mama mo lalo’t kung alam niyang may sakit ka sa puso mas iisipin niya kapakanan mo at ng baby mo.

Okay lang yun. Same sitiuation tayo, ang palpak pa nga nung akin dahil hindi pa ako buntis alam na nila na hindi ako makaka-graduate on time hanggang sa nabuntis na ako until now di pa rin graduate dahil sa thesis haha. Hopefully next mid-year. Magagalit siguro sila sa una pero wala pang ilang oras tanggap na nila yan hehehe naging anak at magulang din sila kaya alam nila kung ano nararamdaman mo 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles