My little baby bump

Hi! I'm 18 years old and a 4 months pregnant. Kahit pala maaga sya dumating sobrang nakakaexcite pala talaga maging mommy. From 24 waist line to 34 namimiss ko din maging sexy at magsuot ng mga fitted at crop tops pero mas lamang yung sabik ko na mahawakan ang anak ko? Yun nga lang may crisis ngayon at di makapagpalab test and ultrasound para mareveal na namin kung boy or girl ba. First time kong makita na malaki ang tiyan ko, hindi magkasya ang gustuhin kong damit, i-give up ang mga bagay na di ko mabitawan noon. Sobrang thankful ako kasi kung masaya ako, mas masaya ang daddy niya na dumating sya. Lagi ng sinasabe saken ng boyfriend ko na nabuo sya dahil sa pagmamahalan na meron kaming dalawa. And everytime na kakausapin nya si baby sa tiyan ko, lagi nyang sinasabe na "mahal na mahal ko kayo ni mommy mo. Bilisan mo lumaki kase lagi tayong maglalaro". Nakakatuwa kase hindi sya natakot, nangamba or umatras man lang. Yung kursong gusto nya sa college, pinalitan nya for us. So much happy kahit napaaga mapapaisip ka na lang na " Sana kayanin kong maging mabuting magulang" everyday and night. Hindi ko kinakahiya na maaga akong nabuntis .Hindi ako takot mahusgahan ng iba. Dahil alam ko, na hindi naman ito ibibigay kung hindi ko naman kaya. Everything happens for a reason❣️✊ Godbless everyone?

My little baby bump
37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congratulations! Bigay yan ng Dyos. Kesa yung iba dito nagtatanong pa pano magpa laglag. God bless and stay healthy!

5y ago

sobrang thankyou po

VIP Member

Congrats po. I'm happy that you feel blessed with your baby. Stay healthy po and God bless 🙏🏼

5y ago

Thankyou po. Stay safe and Godbless din po

VIP Member

Sana all sexy pa din kahit buntis..haha ako mag4mos p lng pero mukhang 7mos na😂😂

5y ago

Pareho po tyo ,,hehe.. 7mos p lng tiyan ko now. Pero mukhang 9mos na,kasi malaki po tiyan ko😊

4 months na din baby ko.and 18yrs old. Din ako.rmdam kita momsh🙂

Post reply image
5y ago

Thank you🙏

Bat ganun hahaha sakin ang laki na ng baby bump ko 4 months din 🤣🤣

Post reply image

Ify sis😍 18yrs old lang din ako😊 Blessing satin yan💖

VIP Member

congratulations. keep safe sa inyong mag ina😊❤

Xme, 18 yrs Old , 4 month's preggy 😊😊

Post reply image

Congratulations sisss!!! Laban lang! 🤩❤️❤️

5y ago

thankyou and Godbless

Pano nyo inamin sa magulang nyo?

5y ago

Natural lang na magagalit ang parents / family mo. Tanggapin mo lang ang pagkakamali mo at 'wag ka nang sumagot. Ipakita mo sa kanila na kahit bata ka pa, kaya mong i-embrace itong new responsibility mo. 'Wag ka pa-stress masyado sa mga sinasabi ng iba. Always remember na nararamdaman ni baby ang nararamdaman mo. Mawawala rin ang galit nila lalo na 'pag nakita at nahawakan na nila si baby.