8 weeks no heartbeat but no symptoms of miscarriage

Ilang weeks po kayo naghintay para duguin kayo ? Tanggap ko napo kasi na wala na si baby kasi nagpasecond opinion napo ako, ang kaso po dipa din siya nalabas. Pero may binigay po saking gamot, bale 1 week napo yung gamot na iniinsert ko kaso no heavy bleeding padin, ano po need kong gawin ? Or matagal po ba talaga ? Thankyou po #missedmiscarriage

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same case tayo miie . 23 weeks nung nawalan din ng heartbeat si baby ko 😞 almost 2weeks din ako nagiinsert non para duguin ako, kaso no bleeding talaga sobrang kapit ni baby . Kaya inadvice na ng ob ko na ienduce ako para mabilis na paglabas nia.. pero sa 3 araw namen sa ospital kung ano anong pampahilab nilagay saken para lumambot na cervix ko, at sa awa ng Diyos kusa naman syang lumabas para di na ko mahirapan pa..

Magbasa pa

way back dec 2022, 9weeks ko na nalaman na no heartbeat na si baby ko. nagka spotting ako nun. check up agad, pagka IE mas naging strong ang bleeding. early fetal demise upon transV. instead ng cytotec, nagrequest na lang ako ng methergine. after 3days lumabas si baby ng buo. inubos ko lang meds ko for 5days then balik ako sa ob for another scan. empty uterus na.

Magbasa pa

Nung nangyari din po sakin yan mag 7weeks na po pala baby ko that time pero wala na po sya heartbeat kambal po, di ako binigyan ng pampadugo kasi di pa raw po buo yung baby ko. Bale dugo pa lang, nag antay pa po ako ng 2weeks pero ending naraspa parin po ako. Pray ka lang momsh na sana lumabas na si baby mo at di ka na maraspa.

Magbasa pa
2y ago

Opo mahal po talaga , lalo na po kung nag ka infection na sa dugo

baka nman po kse tlagang dpa wla c baby bka nasa loob pa sya at bka dhil d lng mshado mahanap heart beat nya sna pa ultrasound nlng para kung skali dpa sya nwala atleast alam nyo pong dlng sya marinig

Nung 2018, it happened to me. 8 weeks nawalan heartbeat, then after 2 weeks pa ako dinugo diretso ER para sa D&C. Now, I’m 33 weeks pregnant with twins ♥️

sorry for your loss sis 🙏🙏🙏 depende po yun sa kapit ni baby.. meron po di oa nakakainom ng gamot, dinugo na, meron po na inaabot ng 1-2weeks po.

2y ago

pang 1 week ko napo naghihintay simula nung nawalan po siya ng heartbeat

Had missed miscarriage last 2021 7W 6D. Hinintay pa ng another 1 week pero wala talaga akong bleeding kaya naraspa ako. Sorry for your loss.

Pg d nmn po lmbas yan iadvice kayo ng OB for D&C. Gnyan kc ngyari skin no signs of miscarriage. Mas ok niraspa kc tlg mtnggal ns loob.

same case ganyan din Ng yari saakin pero saakin unti lang lumabas kaya niraspa ako pero after two months na buntis ulit ako

nung ako po nag pakapagod po ako nag buhat po ako ng timba tska po ako lumukso lukso hehe after po nun dinugo nko😅

Related Articles