Pakisagot po 😘

Ilang weeks po kayo nagbasa or naligo pagkapanganak nyo po ? 😊🤭 #1stimemom #pregnancy #firstbaby

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pagkalabas ng hospital, depende pa kong anong araw, may halong mainit na tubig ang paligo ko,kz dto sa province may mga kasabihan.tuesday at friday d pwdeng maligo ang bagong panganak, at pati bb d rin pwdeng maligo pag tuesday at friday

ako paglabas naligo na agad kasi sabi ng ob pwede na daw.. after non nabinat ako.. napaka'hirap mabinat.. maya nakinig ako sa mama ko tsaka sa in law ko nag'antay ako ng isang buwan bago naligo.. awa ng diyos gumaling naman ako..

VIP Member

after 10 days .. Pero advise ng OB pag kauwi the next day pwede na maligo kaso alam mu yung mother q and mother in law ayaw aq paliguin 😅 kaya ayun super tiis to the max.

VIP Member

2 days na yata ako nakaligo kasi malas ko biglang nawalan ng tubig sa ospital. pero pwede naman na maligo kinabukasan mommy. para malinis tsaka diba dedede si baby sayo..

Kinabukasan nagbasa na ako at naghugas ng private parts. One week ligo di dahil sa pamahiin. Ang lamig lang kasi. Sa first baby ko pagkauwi galing hospital ligo na.

punas punas ng maligamgam muna ako. then after 2 weeks na ako naligo hahah parang nasanay na ung katawan ko na hindi naliligo hahaha nakakapanibago tuloy.

Punas punas after manganak, then after 2 days half bath (di ko na keri diring diri nako sa sarili ko😅), 3rd day uwian na nakaligo nako.

Ako, one week, tapos super mainit na tubig, with mga dahon 😂😂, CS ako kaya ingat mabasa ang tahi

VIP Member

sabi naman sa amin dapat daw 1 week wag maliligo para iwas sa binat at lamig..

after 10 days kasi bawal daw maligo or magbasa agad sabi ng mother ko hahahah