Pregnancy talk
Ilang months na yung tiyan nyo nung sinabi nyo sa parents nyo na preggy kayo? Nagalit ba sila?
mag 5 months na nung sinabi namin. nadisappoint kasi pagrad palang ako ng college. umiyak pa tatay ko. pero ngayon okay naman na. masaya naman sila sa apo nila. sunod din sa luho. hehe
6 weeks, yung bf ko na asawa ko na ngaun ang kabado. Alam ko parents ko di naman magagalit since inunahan na ako ng bunso namin and sinusustentuhan ko pa din naman sila. 😂
Right after I confirm my pregnancy with my OB. Sinabi namin agad ni hubby sa parents namin ☺️ Good thing they are all happy and supportive. Especially my father 💛💛
alam agad nila kasi si mother ko ang bumili ng pt kaya nung pagkagising ko inabangan nila ako, pagkagising din ng kapatid ko tanong agad ano result pati si papa ko 🤣
Delayed palang ako sinabi ko na sa parents ko. Hahaha. Then nag pt ako right after ko sabihin sa kanila. Then nagpositive sa pt, tinawagan ko sila agad ulit.
sakin delay palang ako nag sabi nako sa mama ko🤣 ayoko Kasi mag lihim then SA kanya nadin ako nag pa pulso, at sya narin nag Sabi sakin na buntis daw ako.
July 24, 2020 nag-PT, positive result. July 26, 2020 sinabi kay mama. And yes, nagalit 😁 Pero ngayon, si mama ang katulong ko sa pagbantay kay baby. Hehe
9 weeks. sakto nung nalaman ko, sinabi ko sa husb ko & sinabi na agad nya sa parents ko at parents nya preggy ako. Happy sila, and I'm thankful❣️
8 weeks after my ultrasound result and we found out na twins pa kya excited magbalita sa both parents nmin ng hubby q😊 unang apo pareho eh
Hindi magagalit parents nyo kung alam nilang handa na kayo. Nung sinabi ko sa kanika, no pressure kasi nga handa na ko at kasal na.