Pregnancy talk

Ilang months na yung tiyan nyo nung sinabi nyo sa parents nyo na preggy kayo? Nagalit ba sila?

68 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

6 weeks. Nadisappoint kasi breadwinner ako sa family. Dinamdam ng papa ko kasi bunso akong babae and close talaga kami ni papa. Si mama natanggap niya agad. Si papa ilang linggo akong hindi pinapansin at kinakausap. Tuwing kakausapin siya ni mama about sakin ang lagi niyang sinasabe ayaw niya raw pag usapan. Hanggang sa isang araw niyakap ko na lang si papa at nag sorry ako at nangako na babawi ako sakanila. Kinausap niya lang ako nung mamamanhikan na side ni hubby.

Magbasa pa

Right after my 1st PT kahit medyo malabo yung isang line nagsabi na ako sa Mommy ko. then sabi nya ulitin ko. tapos nung inulit ko kinabuksan yun 2 visible lines Bullseye daw sabay congrats sa amin.While my Dad informed ko sya last March na may new apo na sya hindi sa ate ko kundi 1st apo naman sa akin ayun "ok" lang reply 😂 siguro kung teenager ka pa or early 20's(not sure mommy hindi mo kasi nabangit age mo) pwedeng magalit or magtampo ang parents mo

Magbasa pa
VIP Member

nung nalaman kong buntis ako sinabi ko na agad. expected na rin naman kasi nila and suportado naman sila sa amin. mom ko pa nga bumili ng PT🤣 6 weeks 3 days palang nun. may ibanh parents na magagalit pero yung galit nila sa una lang yun e kasi parang tampo nila yun sayo but eventually mawawala din at matatapos yung tampo nila sayo. tatanggapin pa rin nila kayo ni baby kasi apo pa rin naman nila at anak ka nila

Magbasa pa

getting 7 weeks ahm no hindi sila nagalit kasi nasa tamang age na ako and may asawa naman ko so walang dahilan para magalit sila... Lalo na si mama kasi siya lang naman nadito my dad nasa u.s so hindi rin siya nagalit kahit sa fb niya lang nabasa

3 weeks pa sa tiyan ko sinabi ko na agad sa mama ko. Nabasa ko kasi na important mag-take ng folic acid sa 1st tri kaya sinabi ko na bahala na magalit bsta makapag pa check up na ako with my mom at maka-take ng prenatal vitamins agad.

Nong sinabi q sa mother q parang gusto pang magpahanda kc sa wakas daw sinunud q n sya. I'm 30 yrs old now and my hubby is 26 Kya dati halos araw araw kpag kausap q sya sa phone laging bukang bibig mag anak na kmi.

ung 1st time ko nah baby. bnugbog akoh ng ATE ko nung nkita nya ung PT sa drawer ko. tpos bumile sya ng sidetotik sa quipo. ayun.. no choice kc inwan dn ako. nung BF koh.. that time is 18 plang ako.😔😔😔

VIP Member

6 weeks. check up lang dapat para malaman kung may cyst pa ba ako kase sumakit ng sobra puson ko non. then pinag pt ako sa clinic, positive. 6 weeks na sya non pala. and pagkauwi, sinabi agad namin. 💙

2 months 😊 Disappointed kasi akala nila magtetake pako ng exam para medicine pero excited naman sila sa baby ko. 🤣 Sympre patuloy parin yung pagdodoctor pag medjo lumaki laki na si baby ☺

8weeks. The moment na nalaman ko din na preggy ako. Actually narelieved sila kasi akala namin pare-pareho may sakit ako kasi tindi ng pagsusuka at panlalata ko ayun pala preggy lang hehe