Mittens
Ilang month old bago tanggalin yung mittens?
ako po mag 3months na diko pa din tinatanggal naawa kasi ako nung tinanggalan ko kahit nagupitan ko na ang kuko kasi malakas pa din pwersa ng kamay nya mag scratch sa mukha ayon nagka sugat ang ilalim ng eyelid nya
Pag kaya mo ng gupitan ng kuko, pwede mo ng hindi lagyan ng mittens, mga 2 weeks sa baby ko hindi ko na nilalagyan mittens, para naeexplore na niya ung paghawak hawak.
Depende po sa inyo. Kay baby ko po kasi almost 2 months ko po siya ni-mittens kasi lagi po niya nasusugatan mukha niya. Nakakatakot po baka makalmot mata eh
Pwede na po kahit 2 months siguraduhin lang di mataas ang kuko ng bata. Yun kasi purpose nun kalmot sila ng kalmot para maiwasan ma scratch yung face nila
Ako po based on experience, around 4 to 5 mos po wla ng mittens si baby mas mdali din kc matututo maka dapa si baby nun.
Ako po 2 weeks palang tnanggal q sa gabi ko nalang nilalagyan pag matutulog na and nung maka 1month na d q na talaga nilagyan
Ako po until now mag 2mos na xa.. naka AC po kasi kami sa gabi malamig lagi kamay nya tuwing gabi lang po
after 1.month kasi dun mo hihinukuhan si baby nakakalmot kasi nya mukha nya
hi mi, kami po 1month lang, feeling ko kasi ngpapawis ung kamay ni baby.
Depende kng kaya nya na kontrolin kamay nya, at lagi sya kinukukuhan.