Hi mga ka mosmsh

Ilang days bago nyo po nalamang buntis po kayo sana may makasagot salamat in advance☺💖#pregnancy

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

6weeks, irreg ako kaya di ko agad nalaman, nagtaka lang ako kasi sore ang boobs ko for 2weeks na di ko namalayan akala ko lang kasi magka period lang ako kaso hindi dumating, kaya nag hinala na ako pero di ako nag expect kasi we've been trying for months pero always negative, so we stop actively trying, akala ko need ko mag bawas ng weight to conceive pero Boom! hahaha tulalay ate mo nung nag positive talagang two dark red lines, di pa ako naniwala nagtake ulit ako isa pang Pt pero same pa din result 😂.

Magbasa pa
Post reply image
3y ago

congrats po momshy 🥳

Irreg po un mens ko.. 19WEEKS na nun nalaman ko na preggy ako.. Uti ang iniicp ko n reason ng sakit ng puson and balakang ko pero para narn sure nag pa PT. Ako sa dugo.. Bale 5mos napo pala xa hehe.. Nun inultra sound aun shape na tlaga xa ng baby sobra un pagkashock ko! 2nd baby ko na to.. Currently at 37weeks..

Magbasa pa

regular menstruation tas nag 1 month delay po and after few days nkaramdam na po ako ng kakaiba sa katawan ko like di nako makakain ng ayos.. tas masakit si breasts ko at parang namamaga then gusto ko nakahiga lang akala ko nga may sakit ako kasi mejo mainit ako. then nag pt ako 2x. it was all positive. 🥳

Magbasa pa

since may work po ako dko n nga namalayan kelan last period ko, then sumasakit lang breasts ko wala n iba symptoms or early pregnancy,expect ko malapit n pero waley pdin.nag PT at nagpositive tas sa check up 6weeks 1 day n sya,akala ko mga 2weeks lng😊

3y ago

3 days deleyed napo kase ako

reg.mens ako momsh, kya nalaman kong delayed at buntis nag PT agad ako the nxt morning pgka gising. and it turns out po na positive. 1st time mom here na notice ko din na lumaki at tumigas ang breast ko.

3y ago

momsh try nyo po magpa pt serum.. pregnancy test thru dugo.. mas accurate sya compared sa pt na thru urine..

Almost 7 weeks.. Irregular period due to PCOS. Positive sa PT, nung nagpa check up maaga pa daw para makita si baby, so bumalik ako after 2’weeks then confirmed via TVS na 6 weeks preggy ako.

Di ko alam kelan ba sya nabuo pero last mens ko feb 23, buong month ng march d ako dinatnan kaya nag pt ako ng 31st kaso faint line inulit ko nung april 3 tapos positive na sya 😊

1 week before date ng mens ko nakakaramdam na ko ng pag kirot kirot ng puson ko. Then after 3 days madelay nag PT na ko 😁

ako delay na ako ng 3 days napagisipan ko na mag pt . ayun super linaw 1st baby namin ni hubby super happy sya

10days past ovulation nag faint positive na ko sa pt, 3 days before din yon ng expected date ng mens ko

Related Articles