Hi mga sis

Ilan months na baby niyo nung nagkababy bump na talaga?☺️

Hi mga sis
77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung halata na talaga is mga 8 months na, first baby kasi tsaka fit kasi ako nung di pako nabubuntis since parate nasa gym. Naalala ko nung 4months nako nag swimsuit pako tapos di pa din halata haha pagka 6 months, naiinis na ako kasi di pa ako nakakapila sa priority lane kasi parang wala pa din. Nung 8 months sobrang saya ko na kasi nagka bump na, agad agad ako nagpa maternity shoot haha

Magbasa pa

4 months parang bilbil palang din. 5 months medyo visible na 😂 Pinagalitan pa ako ng OB ko dahil nag rereklamo akong maliit ang tyan ko. Yun kasi sinasabi nila sa akin maliit daw tyan ko. 6 months dyan na talaga mahahalatang buntis ka 😅

15weeks.... Lagi ako naka loose shirt kaya di mahalata pero nagulat sila papa kagabi nung nag suot ako ng normal kong damit, malaki na daw pala ang tiyan ko.. ahaha Sabi ko "Bilbil lang yan" 😅

Ako po 12 weeks may bump na flat po kasi ung tummy ko tapos first time baby excited hindi ko sya tinatago tapos halos un lang inaabangan 😅 now at 16 weeks halatang halata na talaga

5months na. Simula nung nasabi ko sa parents at mfa kamag-anak, biglang laki tyan ko hahahaha

5 months, kitang kita talaga. Yung fist 4 months parang busog lang ako eh. Heheh

5months sakin. Sa 1st baby dito sa 2nd ko 3months nako pero wala padin hehe.

2 months halata na agad. Siguro kasi slim ang built ng katawan ko.

Ako 5month.. simula 1st and 4th parang bilbil lang tlaga sya 😅

5y ago

Same sis eh ang taba ko kaya parang wala pa haha 4mos preggy ako

4 mnths po nung kinasal kami ng hubby ko hehe