100 days to heaven
If you're familiar with Madam Anna Manalastas' character, then magkakaidea kayo sa ugali ng byenan ko. Grabehan siya. Napakaperfectionist. Wala na kong ginawang tama para sa kanya. Sa mata niya, yung gawa lang niya at gawa ng anak niyang babae ang tama. Inaamin kong hindi ako sanay sa gawaing bahay kagaya ng nakasanayan nilang gawa. But I lived independently since I was what.. 16? 17? So, half of my life I was struggling and taking care of my own things, for my own good. I took care of myself. Hindi ko naman siguro kakayanin mamuhay mag-isa kung wala akong sariling diskarte sa buhay neh? So, ang sinasabi ko lang naman... Kung marunong sila sa gawaing bahay, marunong din naman ako. Hindi nga lang kagaya ng galawan nila. Iba an ang pamamaraan ko sa kanila, hindi masasabing tatanga tanga ko. Pero wala na ko nadinig kundi "tatanga tanga, anga-anga, tsk...tsk... Ano ba naman yan? Hindi ganyan!" Ok lang naman sakin na mapagsabihan ako. Pero sana sinasabi ng maayos. Itinuturo ng maayos kung paano ba ang gusto nila. Ang kaso mo, kung di siya satisfied sa trabaho ko eh bigla niyang aagawin. Siya na lang daw with dabog. Ako pa naman yung klase ng tao na mentras mong kinakagalitan o inaasikan mas lalong nawawalan ng gana kumilos. Katwiran ko, siya pala may alam eh bakit pa ko magpapagod kung uulitin din naman niya yung gawain ko pag nagkamali ako? Ikaw pala magaling eh, adeh ikaw na lahat magtrabaho dyan. Ayan, isa yan sa masamang ugali ko sa totoo lang. Aware ako dun. Inaamin ko yun. Pero grabe naman kasi talaga pagtrato sakin ng byenan ko. Nakakademotivate. Parang nananadya pa siya na ipapahiya ako pag madaming bisita sa bahay o kaya sa harap mismo ng mga anak niya at asawa ko ako niya ipapahiya. Nawawalan ako ng gana makisama sa bahay bg byenan ko. Hindi naman kami makabukod ng asawa ko dahil hindi namin afford sa ngayon ang umupa o bumili ng bahay dahil may baby kami na wala pa 1 year old. Ayoko din isugal na sa ibang tao paalagaan yung anak namin kung magwork na kami ulit. At least kasi sa bahay nila na ito, may magbabantay sa baby ko. It's really draining me right now. Pano ba maging perfect na manugang? Somebody help!!!