Clarification lang po sa question niyo,
Kung single mom po kayo and ang gusto niyo po ay papirmahin ang ama ng anak niyo sa birth certificate? Para ang surname ng bata ay sa ama niya?
May pinipirmahan po sa likod ng birth certificate, yung affidavit of paternity. If nakapirma po ang tatay ng bata doon, ibig sabihin kinikilala niya na ang bata ay anak niya, if hindi po niya sinusustentuhan ang anak niyo, pwede po kayo lumapit sa VAWC, sa ilalim ng batas ng RA 9262, ang di pagsustento ay economic abuse at ay may kaukulang parusa sa batas po.
Pero, if ang concern niyo naman po ay hindi i-surname sa tatay ang anak niyo, wala naman po kaso if gagamitin apelyido niyo (surname ng birth mother) sa birth certificate ng bata.
Magbasa pa