Bakuna

If you have budget. Mas prefer ninyo ba pabakunahan sa hospital yung mga baby ninyo? Or if my available sa center pa din? Naiisip ko kasi sa center nalang yung may mga bakuna na meron naman sila then yung mga wala saka sa hospital. Kaya lang ayaw pumayag ng husband ko sa center mas kampante daw siya na sa hospital lahat :(

55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa center kami nag papavaccine para kay lo kasi dun sa center namin same lang ang bigay ng vaccine sa hospital ang pinag kaiba lang is libre. Yung apat na di available sa center sa ospital nalang. hehe

sabi po skin ng pinsan ko na nagwowork sa rhu nmin parehas lang nman po yung mga vaccine sa pedia at sa center pero sa ngayon rota ang wala sa center so no choice ako sa pedia ni baby ako magpavaccine

VIP Member

praktikal po sa center sis agahan mo nalang para ikaw mauna at hnd mahaba pila po.. lagi naman available yung bakuna nilang iba ako nun inaagahan ko lagi para mauna ako hehe

Sa first baby ko lahat ng vaccines ni baby sa center after namin lumabas ng hospital . Kung May budget ka why not naman na mag pedia ka .. kung saan mas ok ka .. same lang naman din ..

VIP Member

mas wise lang kung sa center. pareho din naman ng strength ng gamot ang ibibigay. magagamit nyo pa ung mase-save nyong pera for other expenses like pambili ng diaper, clothes etc

Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga health center dito sa pinas, kaya lang mas prefer ko sa mga hospitals, mas kamapante ako kung professional ang mag inject sknya. :)

kung meron sa center sa center na lang sis.mas practical yung ganun kasi yung mgagastos mo sa mga bakuna nmn na meron nmn sa center mase save mo para sa future ni baby

VIP Member

sa center padin same lang sla sa hosp. saka mas tipid mahal bakuna sa hospital eh. natry namin minsan ung sa anti neumonia 3k tas 3 sessions di na nga nmin naulet eh.

Feeling ko Nasira lang talaga yung mga health centers dahil sa Dengvaxia. Which is, di naman nila kasalanan in the first place, inutos lang din naman yun sakanila.

Pag monthly check-up ni baby sa hospital; pero pag mga bakuna sa center na lang. Same din naman yun, momshie eh mas makakatipid ka pa sa center. 😉