please answer

My idea po ba kayo mag kano budget pang paanak kapag CS or Normal ka sa hospital? First time mommy po sa May na po kasi due date ko thanks ?

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hehe ako 200 pesos para sa newborn screening tapos yung mga pagkain lang habanh naka confine. Kaya tuwang tuwa si LIP eh yung binadget namin na 30k ay di nagastos. Sa Mexico Community Hospital ako nanganak via CS - Pampanga. Magaling din ang OB ko maliit pa sa hintuturo ko yung tahi ko pero si baby ay 3.4 kgs 😍 yun nga lang nagkeloyds kase keloydin talaga ako simpleng sugat kang nagkekeloyds or peklat kaya iniingatan ko talaga di magkasugat. Ayun yung natipid namin na pera pinagawan ako ni LIP ng kwarto ko na sarili dto sa bahay ni mama sa Pampanga 😅

Magbasa pa
5y ago

Dra. Anne Galvan

Saan ka po ba manganganak mommy?? S private or s public. S private po 50k more or less n po un .pero kapag public nmn po nsa 30k n un pero maleless po un sa philhealth tulad ko po nanganak ako nung march 25, CS and ligate n po un. Umabot ung bill nmin ng baby ko ng 29k binawsan po ni philhealth ng 28k may ntirang 1k nkiusap asawa ko sa SWA nging 500 n lng ung binyaran nmin. Sa ospital po ako ng JOse reyes kaso po pag doon k mangnganak need ng my previous check up k dun. Ingat po palagi lalo n naun my covid stay safe po kayo ni baby.

Magbasa pa
5y ago

Thqnks po 🥰 godbless

VIP Member

Sa lying in lang ako nanganak first baby ko 11k pero kung wala akong doctor 1500 lang hininge sakin ng lying in. Maganda na rin yun kasi kung sa hospital daw ako nanganak baka mag desisyon na daw ang mga midwife dun na cs nako. Halos 5hrs ako sa DR binibigyan ako ng pampahilab, pampanipis ng panubigan. At ayun apat ang nagtulong tulong mag paanak sakin yung isa sa tyan ko yung isa sa nipple ko yung doctor at isang midwife sila sa bata. Skl

Magbasa pa
VIP Member

Depende po sa ospital and sa condition niyo. Nag pa quote ako dati around 35-50k daw normal then 50-80k daw pag CS private. Yung tita ko naman nanganak siya sa public hospital CS siya 1500 lang gastos niya kasi may philhealth. 😊 sa lying in naman na pinagtanungan ko pag may philhealth 4k lang tapos may refund na 1700, pag walang philhealth 7-8k.

Magbasa pa
5y ago

Pero sis sa ospital ba pwede, tapos na ksi Yun kontrata ko sa agency ko, Bale last hulog Nila nung March, Yun April Lang yuj wala

Depende po kung saan na hospital kayo, and depende sa quotation ng ob niyo. Sakin kasi sa ACE PATEROS 45k-60k NSD less philhealth na. 70k CS. Tapos ngayon, June Due ko sa Fabella ko plano manganak pero private ob ako dun 15-20k NSD less philhealth, 30k CS.

Kung sa private ka manganganak expect muna 30k pag normal at more or less 100k kapag C's ..ay less pa Yun pag my philhealth ka sis .. mas ok sna Kung sa public hospital Wala ka babyaran kapag my philhealth ka gstos mo Lang gamot .. at pagkain ..

Government hospital ako CS but with OB and doctors na consultant at private room in 4 days. 60k plus po ang bill less philhealth na 19k. kaya 40k plus po bill last Sept 2019. Expect na mas malaki if private hospital.

Ako po cs nung last year lng po 35k including n po yung hospital bills and pf ng mga doctors. Private hospital n po yan and 2 days lng po kz aq pinauwi n q ng ob ko kaso d kasama jan ung sa baby ko kx naiwan xia sa nicu.

5y ago

Saang hospital po kayo nyan?

VIP Member

Sa akin po 100k+ ECS sa paranaque doctors hospital 4 days sa ward tapos nicu pa si baby. 65k doctors fee 😫 pero sobrang galing ng ob ko di halata yung tahi ko tapos sobrang bait pa ng mga nurses dun.

5y ago

Thanks po godbless

kapag emergency CS sis mas mahal siya remember that.. Kapag CS ka naman talaga sakin umabot ng 80k. sa private hospital 1 araw na stay lang yun.. Normal delivery no idea po..