My PUPPP rash journey
I wanted to share my PUPPP journey, nagkaroon ako ng PUPPPasearly as 6mos... I thought simple rashes lang sya, so kapag makati, kinakamot ko lang sya, tapos napansin ko na nadami, akala ko gawa ng pawis at init, itinigil ko ang lotion ko ng Palmers, kasi feeling ko mas nainit. Gumamit ako ng Human nature Sunflower oil as mositurizer, until nag7 mos. Ako mas kumakati at nadami sya, dun ako nagdecide na iconsult sa OB ko at magparefer sa dermatologist, niresetahan muna ako ni OB ng Calmoseptine at Benadryl, at first akala ko okay, pero ilang araw lang, mas lalo talaga sya nakita so nagpaderma na ako, dun kinonfirm ng derma na PUPPP nga sya, at wala ibang gamot kundi ang intayin makalabas si baby, pero niresetahan nya ako ng non steroidal na lotion, Eczecleen AD, tapos Johnson na regular baby washp, yung powder blue ang kulay, bumili na din ako ng calamine at zinc oxide na lotion, yung pink, katulad nung una, akala ko ookay din sa mga unang gamit ko, pero NO, lalong lumala ang rashes ko, humapdi sya na parang stingy na yung feeling, super uncomfortable na ako, may hubby suggested na magice pack ako, dun ako nakalma sa ice pack, that was when I decided to ask my derma to change my lotion at soap, she prescribed Cetaphil AD derma na soap at Physiogel AD na lotion, bumili na din ako nung cream version. I was then referred to allergist, dun sinabi nya na dapat strict sa hypoallergenic diet, no egg, chicken, dairy products, soy beans, sauce, citrus, at madami pang bawal, ang pwede lang sa akin is, pork/beef, fish na bangus at tilapia, sa gulay at prutas ay carrots, kalabasa, malunggay, lettuce,cucumber, apple, banana,melon, pakwan,mais... Bawal din ang masyadong mamantika, asin lang ang pangpalasa sa food, at bawal maexpose sa manok or malalansa habang niluluto ito, dahil kahit ang amoy at hangin daw ay pwede makaepekto sa pangangati, inadvise din ako maginfused ng cucumber water para somehow madetoxify lang ako. Then, kapag liligo ako, nagaice bath muna ako, lahat ng part na makakati ay nilalagyan ko muna ng ice pack, tapos tsaka ako liligo, malamig na water pa din panligo ko, tapos tsaka ako maglolotion, pag tuyo na lotion ko sa balat, magbibihis ako ng sobrang maninipis na damit, at hindi na din ako nagbrabra, pressure aggravate the rashes more at mas nagiging makati sya. Tapos before sleep, nagaice pack pa din ako para makatulog. And this improves my PUPPP, though sa ngayon, 8 mos na ako, medyo makati pa din pero mas tolerable na unlike before na naiiyak na ako, at halos 2 hours lang ang tulog ko lagi dahil sa sobra kati. Hopefully this can help other mums na makakaranas ng PUPPP. #bantusharing #pregnancyrashes #pupppRASH