Birth certificate

I want to share this experience of ours to give information. April 19 ako nanganak, the day after binigyan na kami ng blank birth certificate to fill up the information needed sa birth certificate ni baby. Ako yung nagsulat kasi baka mali yung spelling na mailagay ng husband ko sa name ni baby. May 13 nakuha ko yung birth certificate ni baby sa lying in kung saan ako nanganak. Ichineck ko yung information, pagdating sa name ng husband ko walang nakalagay na "JR.". It's my fault pala kasi hindi ko nailagay dun sa pinapil upan sa akin. Ewan ko bakit ba nawala sa isip ko na ilagay yun noon. Sabi ng attendant sa lying in ibabalik na lang sa city hall para maayos. Sabi ko hindi ko sure kung nasa first name o nasa last name yung Jr ng husband ko ichecheck ko muna sa birth certificate nya. After 3 days bumalik sa lying in yung husband ko para ibigay yung photocopy ng birth certificate nya para maipaayos sa city hall yung birth certificate ni baby. June 1, nakuha ni hubby yung birth certificate ni baby pero di naayos name nya. June 2 bumalik kami sa civil registry, itinanong namin kung paano ipapaayos yung name sa b.c. Sabi ng clerk naiforward na sa PSA yung birth certificate kaya hindi na nila naiayos. Pag nakuha na namin yung PSA birth certificate ni baby sk palang namin maayos yung name ng husband ko and mag aantay pa kami ng 8 months bago namin maifile yung pagbabago. Bukod pa dito need naming magpasa ng mga panibagong requirements at magbayad ng P1150. "Magbabayad kami ng 1150 pesos para lang mailagay yung Jr sa pangalan ko" sabi ng husband ko. So ayun nakakainis lang kasi bakit ba shunga ko hindi ko naisulat yun. Simpleng mistake kung iisipin pero nauwi sa mahabang process. Hindi ko naman masasabing negligence kasi ichineck ko naman yung pinil upan kong paper bago ko ipasa, pero hindi ko rin napansin. Sayang yung 1k pambili din ng gatas ni baby. Kaya po make sure na tama yung mga info na ilalagay nyo sa birth certificate ni baby para d matulad sa nangyari sa akin.

1 Replies

VIP Member

buti po kayo meron na. gave birth April 23, lying in na din daw po magpasa. pero hindi nakaHand written yun. ngType writer yung ngAssist taps chineck lng namin. hindi pa nacheck sa registry dahil nakakatakot lumabas ng bahay.

Depende po siguro sa processing ng hospital at city hall kung gaano katagal ibalik sa inyo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles