Ayoko na magpakita sa amin or kahit magsustento ang tatay ng baby ko.
I am a single mom. Simula pa lang ayaw na ng tatay ng baby ko ang anak ko. Pero last January nalaman na ng lahat family nya na may baby na siya. Yung baby ko. Ngayon ayoko na na magsustento siya or even magpakita siya. So sick of his damn reasons. Tulad ng pangyayaribg ito.. May nag-aalaga naman sa baby ko kasi night shift lagi ang work ko. Kaya lang that certain day may sakit siya so I asked him to take care of our baby just for a day kasi bawal pa ako umabsent (He knows it!) at off ko naman kinabukasan. But he refused! Ang rason nya di daw nakakatulog sa kanila si baby kasi namamahay daw. Iiyak lang daw. Nakakahiya daw sa tatay nya at nanay mapupuyat. So no choice pinaalaga ko pa rin sa nag-aalaga sa kanya. Ngayon sinabihan ko siya wag na wag na siya magpapakita kasi wala naman siyang kwentang ama. Kahit sustento ayoko na. Kaya ko naman ang baby ko. Nakakapagbayad ako sa nag-aalaga sa kanya at the same time nabibili ko needs nya. So bakit ko pa siya kakailanganin. Sa babae nya dami nyang oras sa anak nya wala! Every birthmonth wala siya. So why bother. Nakakadagdag lang siya sa stress ko sa buhay! Seryoso. How to get rid of him? Do I need to ask an assistance sa Atty? Hays. Ayoko na talaga makita yung lalaking yun!