UNSUPPORTIVE PARTNER πŸ’”

I JUST NEED TO LET THIS OUT. 😟😟😟 Simula nung nabuntis ako, nafeel ko na nabawasan na yung pagmamahal sakin ng partner ko. Ni ayaw niyang hawakan manlang tummy ko, sasabihan pa ko ng ang itim ko daw, parang abnormal daw yung tyan ko. Although sinasamahan naman niya ko sa check-ups ko sa OB at binibilhan din ako ng vitamins. Di ko makita sa kanya na excited sya na magkakababy na kami, 7 months na ngayon ang tyan ko, di manlang sya magkusa na magtanong kung dapat ba mamili na kami ng gamit para sa bata, mama ko pa ang nagbigay sakin ng pambili ng new born clothes para sa baby ko. Nastop kasi ako sa work simula nung nalaman kong buntis ako dahil di ako allowed pumasok during pandemic. Ang lungkot lungkot ko, kahit magkatabi kami sa kama, di manlang nya ko magawang yakapin o halikan. Iniiyak ko nalang tuwing matutulog, umiiyak ako kapag tulog na sya o kaya sa CR ako iiyak. Sobrang nastress ako mula nung di ako pinayagan magcontinue sa work, as in wala akong pera, di naman ako humihingi sa kanya, minsan kapag nagccrave ako tinitiis ko nalang, di rin naman nya kasi ako tinatanong kung anong gusto ko kainin. Nadisappoint lang ako sa mga nangyayari kasi parang ang layo niya na sakin. Magkasama kami sa bahay, pero di manlang nya ko kinakamusta, ako pa nagiinitiate ng usap para manlang makapagkwentuhan kami kahit saglit, mas madalas naglalaro lang sya sa phone nya. Mabait naman sya, di naman nya ko sinasaktan physically pero grabe yung emotional stress ko ngayon sa kanya. Ang iniisip ko nalang ngayon, kaya ko naman kahit kaming dalawa lang ng baby ko, gusto ko na makapanganak para makabalik na ko sa work at para mabigay ko lahat ng pangangailangan ng baby ko. #pregnancy #firstbaby #1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Talk to your partner para alam nya nararamdaman mo, Minsan kasi kailangan din natin ivoice out Lalo pa at bibigat lang Yan sa loob kung patuloy mong sarilinin. Baka nasusubsob sa trabaho or may pinagdadaanan din SI partner na di nya sinasabi Sayo. Makipag usap ka sa kanta at pagkatapos nun saka ka magdecide kung ano Ang best Sayo at sa baby mo.

Magbasa pa

hi mommy sa pagbasa ko po sa problem mo parang ang hirap sa pakiramdam po nyan.. best mong gagawin mommy kausapin nyo sya kong my problem ba sya kasi kamo nahihirapan kana sa nararamdaman mo or sa pinaparamdam po nya mommy wag kang magpakastress mommy para kay baby kaya mo yan pray ka lang always na bumalik na sya sa dati

Magbasa pa