Is it safe for pregnant women?

I am in the 3rd trimester of pregnancy and I am 30 weeks and 3 days pregnant.♥ Sino po dito nainom ng ganitong gamot?(CALCIUM CARBONATE/ CALCIMATE) It was given by the assistant of my midwife., At hanggang ngayon di ko parin iniinom. Basta binigay lang kasi sakin, without sabi sabi kung ilan beses ko ba dapat inumin sa isang araw. 😥

Is it safe for pregnant women?
122 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Safe ang calcium tsaka need mo din yan para hindi ka manasin ng todo, pati iwas nadin na sumakit ang ngipin mo during pregnancy kasi pag 3rd trimester na mas malakas na si baby kumuha ng nutrients sa body natin dahil nag papalaki na sya at nag reready na sa paglabas nya mag aagawan kayo sa calcium pag kinulang ka tendency nun sasakit ngipin mo unless maayos lahat ng teeth mo momsh, need din yan ng baby mo para sa bones nya.

Magbasa pa
3y ago

2x q day po yan...sakin calcidin ang nireseta

Umiinom den ako nyan tuwing tanghali lang bilin ng ob saken kase may iniinom ako sa morning, tas afternoon po yan. folic acid naman po sa evening☺️ maganda po yan, vitamins nyo po yan ni baby yan. para malakas po yung bone ni baby kapag nagdedevelop sa tummy nyo. hehehe

para sa buto niyong dalawa yan ni baby.. btw. calvit gold(medyo pricey at branded) reseta sakin ng ob ko. nung umiinom ako ng calcium hindi na sumasakit ngipin ko at hindi ko naramdaman sumakit balakang ko. saka once a day lang ang calcium. mataas po kasi ang dose niyan.

2 times a day pinapainom ni ob sken yan 1 for morning and lunch for calcium ibang brand nga lang, pero natry ko rin gnyang brand yung libre sa health center pgka ubos yung nasa resete na binili ko. 6 months until now 30 weeks nadin umiinom ako ng for calcium.

yes po safe. and kailangan na kailangan po natin yan for babies development.. kinukuha ni baby ung calcium reserves natin sa katawan so need natin mag imbak pa para di maubusan qt magkaosteoporosis in the future or magkaproblema sa teeth, hair and bones

yes po .. bumili ako nyan over the counter, kagagaling ko lang ngpa checkup, sinabi ko kc parang sumasakit tuhod ko lalo na galing sa higa tapos tayo, sabi inom lng nang calcium carbonate sa umaga, at ferros sa Gabi.. 21weeks ako

ako mula umpisa pinapainom na ako ng calcium. para daw kasi yun sa buto at sa ngipin para hindi daw sumakit ang ngipin ko kasi dalawa na kaming nangangailangan ng calcium ngayon. at 18weeks pregnant pa lang po ako.

Calcium carbonate can cause hardening of blood vessels and may soon lead to heart attack or stroke.... mag research po about calcium supplements.... Liquid calcium is safer.... gatas po cguro and magbilad sa araw.

Safe po sya mommy, para sa bone ni baby. 1x a day lang ako umiinom nyan. Naka 3 banig lang ako. After nyo uminom ng calcuim, inom din kayo ng madaming tubig😊

Safe po 'yan... ako nga, simula nung nagpacheck-up ako sa OB last February 'till now, pinapa-inom ako nyan... para din kasi yan sa development ni baby...😊