DEODORANT QUESTION

I have used DEONAT,MILCU, TAWAS, BAKING SODA with CALAMANSI. And now naka NIVEA ALOE ako. Using soap either safeguard or bioderm. Before ako mabuntis lahat effective saken kahit magbike ako o heavy work out. Now, buntis ako kahit nakaupo ako iba tlaga ang amoy ng UA. I know dahil sa hormones sabi ni doc.. 2x a day ako naliligo. May iba pa ba kayo massugest na DEO bukod sa maga nabanggit ko sa taas? I am very HYGENIC person po pero iba tlaga yung hormones ko. Wala naman ako pakialam kung mangitim ang UA ko ang mahalaga mwala ang amoy. Salamat sa mag susuggest. Nakakahiya kase na magpapacheck up ka sasakay ka ng jeep ng bagong ligo pero ung UA mo nangangamoy na ? #1stimemom #advicepls #pregnancy

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I think mamsh dala lang ng pregnancy na may naaamoy ka sa sarili mong katawan.. Ako believe it or not, sabi ko sa sarili ko bakit kaliligo ko lang, amoy pawis nanaman buhok ko.. Napakairritable ko, ayaw ko yung naaamoy ko. Umabot pa sa point na nag aaway kaming mag asawa kasi ligo ako ng ligo kahit gabi na e wala naman siyang naaamoy sakin.. Tas basa pa buhok ko kakaligo, iniinsist ko na amoy pawis.. Ipinapaamoy ko sa mister ko at mga kapatid ko yung sinasabi kong naaamoy ko. Mabango daw, but then again para sakin amoy pawis talaga.... So, naglipat akong shampoo, dove na pink na gamit ko HAHAHA and ito kahit d ako maligo feeling ko ang bango bango ko.. Sa tingin ko yung naaamoy ko dati is dahil lang din sa sensitivity ng pang-amoy nating mga buntis.. Baka same case lang sayo mamsh..

Magbasa pa