Physical and verbal abuse

Hello. I have an 8-year-old daughter sa ex ko and now may bago na akong partner and we have 1 child na din. Recently nahuli ko at nagsabi na sa akin ang panganay ko na sinasaktan daw siya physically and verbally ng partner ko. Tinuturuan daw siya magsecret sa ginagawa at sinasabi sa kanya. Nag-usap kami ng partner ko but dine-deny niya lahat kahit nakita ko na. Hindi daw totoo. I feel so trapped, confused and scared for my daughter. I am willing to give my partner a chance pero natatakot ako na baka mga anak ko naman magsuffer. Thoughts please? Update: I've talked to my partner po. Not saying this para itake ang side niya. He was brought up sa ganung environment - palo and hindi magagandang salita na napakamali kasi inaapply niya sa anak ko na lumaki with gentle parenting style. His words were mean and hindi niya ineexplain sa anak ko after kaya iba ang interpretation ng bata. Kinausap ko na siya and stood my ground po. Mas sobra pa sa triple ang pagbantay ko and I'm doing my best na magheal ang daughter ko with what happened. I also plan to have my family intervene para sure. My daughter felt a whole lot better kasi I am aware of what happened and mas secure na siya magsabi sa akin. Thank you po sa lahat ng comments mommies.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy, mas masakit ang mom guilt na dadalhin mo habang buhay kaysa ang mawalan ng lalaki or partner. think about your possible regret pag di mo pinrioritize ang anak mo. think about also na pag lumaki anak mo, babalikan niya yang moment na yan na umamin siya sayo. Mananatili sa isip at puso niya ang magiging response mo sa situation na yan at dadalhin niya yun sa pag laki niya. kaya choose wisely. masakit yun para sa kanya kapag naramdaman niya na di siya naprotektahan o naipagtanggol. besides mommy, illegal na yang ginagawa ng partner mo. what if may mapagsabihan ang anak mo outside your family or other people and malaman ang naging response mo? alam namin mahirap yan para sayo lalo na may younger child ka pa... weigh the consequences, but always remember that your decision may break or build something in your child. I will pray for you, mommy.

Magbasa pa