βœ•

6 Replies

have you tried na wag mag give in sa mga gusto niyang food? until sumuko siya eventually.. make an option sis. try mo po prepare k Ng food n Pwede Niya pag pilian. halimbawa oats ska arozcaldo. something gnun. tpos sa tanghali gawa k Ng recipe sa fav. niyang food..except junk food n noodles. tpos bawiin mo sa milk Yung nutrients n kulang.. be firm pero my choices p rin siya. Basta my choices lng mahilig n Kasi mag no Ang age na Yan.gusto nila sila n masusunod. . pag nag hain ka wag Isa lng.. ikaw p rin my control Kung ano kakainin Niya pero feeling Niya siya p rin nasusunod dahil my choices Kang binigay. Kung ano lng hinain mo Yun lng Po.. wag kng mag give in sa tantrums Niya.

hi mommy. yes, minsan kapag humihingi sya sinasabi ko na walang noodles. sabi ko mag oats or milk na lang. hindi ko alam kung anong recipe ang ibibigay ko kase kahit ano ayaw nya, iluluwa nya talaga until dumating sa point na kami ng papa nya, lumalakas na boses sa pagsaway. tas puro iyak na lang to isa. ito talaga pinaka struggle namin ngayon. kahit sinubuka na namin mag order ng masarap. example, soup sa mcdo, jollibee and masarap na lugaw, firm pa din sya sa gusto nyang noodles and oats. hanggang kami na lang talaga susuko kase nakakahiya na ang ingay namin sa kapitbahay. :( ganun palagi.

hehe actually nuong bata p Kmi may phase na naging maarte din ako sa food, brutal Kasi nanay ko nun.. since mahirap lng nmn Kmi. lagi din Kmi nag aaway sa food Kasi ayoko din kumain. d n effective palo skin Kasi sanay na sanay nman ako sa palo haha ska d ako Pwede tumayo sa mesa, Ang ginawa Niya nung napagod na siya sa ganung eksena mag hahain na lng si mama ng food. after lunch tatanggalin Niya Yun. wala siyang ititira.. Ang susunod Niya n hain Yung meryenda or gabihan na.. Khit n sabhin nmin n gutom and mag wala Kmi d Niya Kmi bbgyan Ng ibang food. dun Kmi Natuto sis.. tiniis tlga Kmi ng mom nmin. kakain n ko Kasi gutom na dahil kakalaro. lagi lng Niya sagot samin pag nanghihingi Kmi ng food " tpos na oras ng Kain, sa meryenda or gabihan na ulit, mag laro k muna"

ganyan din baby ko nung mga nkaraang buwan pero ngaun iba na,nakakakain na sya ng tunay na foods... di na instant.. sinanay kasi ni papa ko na lagi noodles kaya nahilig sa noodles ehh... pero dati, pag nag hahanap sya noodles, sasabihin ko, wala na noodles, ubos na... rice nman tsaka meat na may sabaw.. tapos tinanggal nmin sa mesa noodles... hanggang ngaun, walang noodles.. kaya, di nya na nahanap tapos kakain na sya ng rice kasi pag di sya kumain ng rice, walang dede πŸ˜… pangpatulog lng dede sabi ko sa kanya 😁😁

galing naman! sinadya naming hindi bumili ng noodles kase nga lalong hindi mawawala kapag bigay ng bigay. sinubukan ko syang pakainin ng rice na may egg, ayaw pa din. luwa at iyakan pa din ang peg mamsh. sobrang nakaka stress. kaya ang ending, gatas na lang ulit and oats.

Kung firm sya na ayaw nya dapat mas firm ka na dapat ikaw ang masunod. anak ko 5yo. lagi ko kinakausap na hndi lahat ng bata nakakakain kaya maswerte sya. pinapaalala ko rin na kung anong nakahain dapat kainin. Buhayin mo nlng yung noodles mommy kung yun talaga ang gusto nya pwede mo haluan ng malunggay or any gulay na di nya mahahalata. Ako minsan tinatago ko sa kanin pag sinusubo ko sa kanya. Maging wais din minsan. at tyagaan talaga

oo nga eh, minsan nandun pa din yung awa na hindi na sya nakakakain ng kanin kase nga walang noodles. nakakastress na talaga. yung eldest ko napaka opposite nila. wala akong kahirap hirap sa kanya before.

VIP Member

always talk to her before bed time. .tell story. .about a kid eating nutritious fud. .ganyan technique ni hubby sa 2nd baby ko.. .kasi gusto nya lagi dati processed foods..canned and instant noodles..tinyaga ni daddy subuan habang nagkukwento ..

yung anak ko 4years old kapag simasabi kong wala ng noodles iiyak sya tapos sasabihin bibili daw sya sa tindahanπŸ˜… napaka pihikan din sa pagkaen buti nalamg ngayon mejo okay na

Trending na Tanong

Related Articles