TAKOT NA

i had miscarriage last month. sabi ng ob after 2 mos. pwede na ulit magbuntis. Gusto na din ng husband ko. Kaya lang parang natatakot na ko. Baka pag nabuntis ako agad magka problem na naman. Natrauma na ko. 1st baby sana namin yun. Nawalan sya ng heartbeat. Normal naman lahat sakin. Di mababa matres ko. May defect lang si baby kaya di naka survive. Sabi ng iba wag daw muna ko agad magbuntis. sabi naman ng ob pwede na after 2 mos. kinakabahan ako baka mabuntis na ko agad next month. Baka may effect kay baby if ever. any advice?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same situation po tayo mamsh, sakin po 9mos after po saka nasundan. At first takot na takot din ako na masundan ulit kasi baka ganun ulit mangyare pero after kong mag sacrifice na hindi muna mag work eto 7mos na akong pregnant ngayon. Pray lang and alagaan mpo muna ang iyong katawan at sarili.