Toughest time
I am going through depression and anxiety po as of the moment. Mga 1 week na ever since na nalaman kong buntis ako at tinalikuran kami ng ama nitong dinadala ko. 1 week na kong araw gabi umiiyak, bigla bigla na lang may makakapag paalala sakin ng mga bagay bagay humahagulgol talaga ko. Hindi ko pa din maalis sa puso ko ung sama ng loob at bigat ng nararamdaman ko. Bukod sa mainitin ang ulo ko. Mataas ang stress levels ko. Minsan nararamdaman ko na lang na nanghihina na ung puso ko dahil sa sobrang kalungkutan. Alam na din naman ng family ko ung nangyari saken. At dito sa app na to, dito ko nakakahanap ng pagkakalibangan at ideas para panandaliang makalimot at hanggang makabangon. Habang nalilibang ako, may natututunan pa ko. At hindi nakakastress ung mga nababasa ko. Very informative sya lalo na't first time kong magbuntis and I don't know what else to prepare. Cause I know it has to be extra especially I will be a solo parent..
First time mom