I am a FTM, nakabukod na kami ng asawa ko at first apo ni Mother-in-law si baby(he’s an only child). Nung una, sinabihan na ako ng asawa ko na control freak nanay nya etc. Nabibwiset na ako sa biyenan ko ang tigas ng ulo at walang respeto pg andito siya sa bahay. Buntis ako nung iuuwi niya daw si baby sa Pinas pag nag 3 years old siya ako naman todo tanggi hanggang sa lumabas na si baby bukang-bibig niya pa rin iyon. I told her many times na hindi pwede unless uuwi rin kami ni hubby, reaction niya lang lagi na hindi siya okay na tinanggihan namin siya. Minsan ang sagot niya pano kung gusto sumama ni baby saakin? I said no pa rin at paulit-ulit lang talaga. Lagi akong nag cocomplained sa asawa ko at inassured niya naman ako na hindi mangyayari iyon. Gets ko na first apo niya pero sino ba namang nanay ang gusto mawalay sa baby nila ng one month diba? At minsan umaabot ng 3 months si biyenan dun pero kahit na, ayoko lang mawalay ang baby ko. Nakakarindi pakinggan pero I was glad na nag stop siya. Anyway, lumipat malapit saamin si biyenan sa loob ng 2 months hindi lumagpas ng 10 na wala siya dito sa bahay. Feel ko tuloy magkakaroon ako ng PPD kasi palagi na akong bugnotin, nang-aaway kay hubby, tahimik lang at di ko na siya kinakausap masyado. Pinapakialaman kasi ako ng nanay nya at di nya binibigyan ng space si baby like kakalapag ko lang sa bata kukunin nya at isasayaw e nasanay na si baby na kusa na siyang matutulog mag isa ang ending iiyak si baby. Pag gutom naman at umiiyak pilit niyang pinapatulog ayaw pa ibigay sakin kahit nakailang beses ko na siyang sabihan. Binibigay nya lang pag ayaw tumahan ni baby. Pag nagpapadede ako sasabihin saakin na inaantok yan kahit OBVIOUS na gutom ang bata. Nag stop lang ako magpa bf kasi uniiyak si baby at need iburp gusto na nyang kunin kahit di pa ako tapos magpa dede. Tapos sinabihan na sha ng asawa ko na lola itawag ni baby saiyo pero ayaw nya ilang beses na sha sinabihan. magsasabi na aalis lanh si mama by, dyan ka lang ha may gagawin lang si mama etc.. kahit verbal kung sinabi na gusto ko mama itawag ni baby saakin at nag agree naman asawa ko. Mommy nalang daw itawag ni baby saakin sabi ni mil pero ayoko naman. Pag nilalro ni hubby si baby puro wag ganyan, hindi pwede wag mo ganyanin si baby e sobrang harmless naman ng ginagawa ni husband minsan tuloy nakakawalang gana but my mom told me na wag ko daw isali si baby sa pagpaligo naman ayaw nyang sa gabi paliguin si baby bla bla bla. Pag nag dadiaper change nagrereklamo din sya paki dahan dahan daw e sobrang dahan nga ng ginagawa namin ni baby. Minsan nagdadabog si mil pag andit family ko, tinitipid pa kami sa food pag inaya ni hubby fam ko na kumain samin. Nahihiya nalang silang kumain kasi ang konti lang ng ulam jusko - sabi ng nanay ko. Alam nuang tulog ang bata nagdadabog or nag iingay once sa sobrang inis ko sinabihan ko sya na pakidahan dahan ma at reply ba naman ay sorry nakalimjtan kl na andito pala si baby? Napa wtf nalang ako sa sinabi nya kaloka.
Ngayon, excited pa naman ako na day off ng asawa kasi may quality time na kami not until nabasa ko sa isang phone ni hubby na nagpapasundo si mil after work kasi daw day off nya until sunday which is yun ang last day off ni hubby. Nainis din ako sa nabasa ko umoo kaagad sya at nagmessage after kung ok lang daw na pumunta nanay niya? Hindi ako nagreply and one hour later nag ok nalang ako, umoo na siya eh. Nagtalk na kami at inamin nya na nagkamali sya. Pag dating nila mainit ang ulo ng asawa ko nasabayan ko pa. Pagkapasok pa lang nila my husband told her na kung pwede tigilan na siya ng nanay nya kakausap tungkol sa exes nya. Tapos ayon inaya ako ng nanay nya kumain i politely said no kasi mainit din ulo ko nun, di ako kumakain pag mainit ulo ko pero makulit siya. Yung asawa ko nainis din kasi bakit nya daw ako pinipilit.m bago niyan sinabihan ko na asawa ko na kakakain ko lang din kaya baka di ako kumain pero mapilit talaga si mil. Then biglang nagsabi si husband na kung may sasabihin si mil direkta nya daw sabihin saakin hindi yung ipapadaan pa kay husband. Walang sinabj si mil, Di na rinako nag bother alamin later that night nalaman ko kay hubby kung ano gusto sabihin ni mil.
Sooo 12am matutulog na kami si biyenan naman nanonood ng sona(?) ni Pres. Duterte nung una bearable pa yung ingay pero kalaunan lumalakas na yung volume so sinabihn ko siya na kung pwede gumamit siya ng earphone she said nasira daw sakanya so I asked my husband kung meron siya tumanggi din. Sinabihan siya ng asawa ko na ma pakipatay nalangniyan at matulog kana. Hininaan nya yyng volume pero a few minutes lang nagpapatugtog na siya I feel disrespected sa pamamahay ko kasi di sya nakinig sakin pero binanewala ko lang hoping na si hubby na magsabi sakanya kaya ayon nagising nga si hubby sa ingay at pinagsabihan shang patayin yung music di pa rin nya pinatay kaya nabwiset si hubby at napamura *bwiset yung sinabi ni husband kay biyenan* sabi nya patayin mo yan at natutulog kami konting respeto naman. Ayun pinatay nya and then nakatulog ako hindi nag 30 mins nagising ako sa ingay si mil di mapakali tayo ng tayo sa hinihigaan nya but I ignored her at nag try matulog pero hindi na ulit makatulog. Yung kwarto namin under renovation kaya sa sala kami natutulog, one bedroom lang bahay namin.
Na hahighblood na ako sa mIl ko kasi kanina rin nagluto sya sa itaas ng frontloader namin even though I told her na wag magluto dun sinabi ko rin kah husband yun at nainis dinnsha at nagsabi na di daw talaga nakikinig nanay nya. 🤦🏻♀️ pero sinabihan ko ulit si mil na wag magluto dun and tahimik lang siya. Before nun tinanong ko si husband kung ok lang ba na pagsabihan ko ulit nanay nya na wag magluto dun at ok naman sya. So ito wala ako mapagsasabihannkaya pls let me post nalang dito ty. Para kasi akong sasabog sasabihin ko sana kay hubby lahat ng naramdaman ko kanina instead ako yung nakinig sa rants ng asawa ko tungkol sa work nya. Sobrang stress din nya kasi kaya di na ako dumagdag pa. Naisip ko na lunukin ko nalsng muna tong nararamdaman ko kasi una ayokong mag away kami ng husband ko ng dshil sa nanay nya (si mil ang cause ng pagkahiwalay nila ng ex ni husband) at si mil lang family ng husband ko. Hoping na sana bago mag next day off si husband sabihin ko kaagad sakanya na we need privacy at quality time hindi yung andito nalang nanay nya palagi nag dedemand and shts. Hay yung mother-in-law ko talaga hindi nakikinig ang daming pangyayari na hindi talaga siya nakikinig samin at yung gusto nya talaga nasusunod. I’m getting tired na.